Caritas Philippines, nanawagan ng tulong para sa Diocese of Masbate at Romblon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 17,265 total reads

Nanawagan ng agarang tulong ang humanitarian, development at advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the the Philippines para sa mga Diyosesis ng Masbate at Romblon na labis na nasalanta ng Bagyong Opong.

Ayon kay Caritas Philippines President, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, nangangailangan ng sama-samang pagtugon upang maibsan ang hirap ng mga pamilyang apektado ng nagdaang kalamidad.

“On behalf of the Dioceses of Masbate and Romblon, which were the most severly affected areas by Typhoon Opong, we would like to issue this urgent appeal for your help and support for our brothers and sisters in these areas as well as in other affected dioceses,” panawagan ni Bishop Bagaforo.

Batay sa huling ulat noong September 28, 2025, kapwa walang suplay ng kuryente ang Masbate at Romblon, mahina ang linya ng komunikasyon, mabagal ang clearing operations, at apektado ang suplay at presyo ng tubig at iba pang bilihin.

Maraming bahay at istruktura rin ang napinsala ng bagyo habang karamihan sa mga residente ay umuwi na lamang upang ayusin ang kanilang mga tahanan sa halip na manatili sa evacuation centers.

Kabilang sa mga pangunahing pangangailangan ng mga naapektuhan ang pagkain, household items at sanitation kits, malinis na inuming tubig, solar lamp at charger, generator, at mga gamot, lalo na para sa sugat.

Ayon pa sa initial assessment ng Caritas Philippines, kinakailangan din ng mga kagamitan para muling maitayo ang mga bahay at simbahan, gayundin ng mga alternatibong kabuhayan upang makabangon ang mga pamilya sa gitna ng krisis.

Hinimok din ng institusyon ang publiko na magbahagi ng donasyon upang mapabilis ang pagtulong sa mga biktima ng kalamidad.

Para sa cash donations, maaari itong ipadala sa Account name na CBCP Caritas Philippines Foundation Inc. sa BPI Account No.: 4951-007116 o 4951-007108; sa Metrobank Account No.: 632-7-632-028586; at sa BDO Account No.: 004508034192.

Sa mga nais namang magpaabot ng in kind donations, makipag-ugnayan lamang kay Ms. Analyn Julian sa numerong 0916-694-5278.

Maaari ring direktang ipadala ang mga tulong sa tanggapan ng mga apektadong diyosesis.

“Let us pray for our dear brothers and sisters affected by Typhoon Opong,” ayon kay Bishop Bagaforo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga bata

 3,280 total reads

 3,280 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 34,555 total reads

 34,555 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 114,353 total reads

 114,353 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 208,579 total reads

 208,579 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 268,977 total reads

 268,977 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 71,175 total reads

 71,175 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top