Structural assessment sa lahat church facilities, ipinag-utos ni Archbishop Uy

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,286 total reads

Naglabas ng abiso ang Arkidiyosesis ng Cebu kasunod ng naranasang magnitude 6.9 earthquake sa lalawigan kagabi.

Sa pamamagitan ni Archdiocesan Chancellor, Msgr. Renato Beltran, Jr., ipinag-utos ni Archbishop Alberto Uy na isailalim muna sa structural assessment ang lahat ng simbahan at kumbento upang matiyak ang kaligtasan ng mga ito.

Partikular na pinaalalahanan ni Archbishop Uy ang mga parokya sa Hilagang bahagi ng Cebu na matinding naapektuhan ng lindol.

Pansamantalang ipinagbabawal ang paggamit ng mga simbahan para sa pagdiriwang ng Banal na Misa hangga’t hindi pa natitiyak ng mga dalubhasa ang kaligtasan ng mga gusali.

“To the parishes in the North [Cebu] that have been gravely affected, you are asked to refrain from using your churches for the celebration of the Holy Mass until the proper experts have carried out the assessment and declared the structures safe for use,” ayon sa abiso ng arkidiyosesis.

Kasabay nito, nanawagan ang arkidiyosesis sa lahat na patuloy na manalangin para sa kapanatagan at kalakasan ng loob sa gitna ng pagsubok.

“We entrust ourselves, our families, and our communities into His merciful hands. May the Lord shelter us under His wings, protect us from every harm, and guide us to safety and peace,” ayon sa arkidiyosesis,

Samantala, sa isang Facebook post, tiniyak ni Archbishop Uy na siya ay nasa ligtas na kalagayan at kasalukuyang nakikipagpulong kasama ang ilang kawani at pari ng arkidiyosesis upang magplano ng pagtulong sa mga biktima ng lindol.

“Friends, I’m okay. I may not reply right away as we’re working on how to help the earthquake victims. Thanks for your prayers,” ayon kay Archbishop Uy.

Batay sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), niyanig ng magnitude 6.9 earthquake ang Bogo City, Cebu, alas-9:59 ng gabi nitong September 30, 2025, kung saan naramdaman ang pagyanig sa buong Cebu at mga karatig na lalawigan.

Sa monitoring ng PHIVOLCS, umabot na sa mahigit 200 ang naitalang aftershock kasunod ng malakas na pagyanig.

Iniulat naman ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na umabot na sa 26 ang nasawi, habang 147 ang sugatan, at wala pang naitatalang nawawala.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pahirapang dagdag-sahod

 10,555 total reads

 10,555 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 92,295 total reads

 92,295 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 194,021 total reads

 194,021 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 230,809 total reads

 230,809 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 260,952 total reads

 260,952 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 58,864 total reads

 58,864 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top