Pakikiramay ni Pope Leo XIV sa mga biktima ng lindol sa Cebu, ibinahagi ni Archbishop Uy

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,308 total reads

Ibinahagi ni Cebu Archbishop Alberto Uy ang pakikiramay at panalangin ng Kanyang Kabanalan Leon XIV para sa mga biktima ng magnitude 6.9 earthquake sa lalawigan ng Cebu.

Ayon kay Archbishop Uy, personal siyang tinawagan ni Papal Nuncio to the Philippines, Archbishop Charles Brown, upang iparating ang taos-pusong pakikiramay ng Santo Papa sa mga pamilyang nawalan ng mahal sa buhay at sa lahat ng patuloy na humaharap sa hirap dulot ng trahedya.

Nagpahayag din ng panalangin si Pope Leo XIV para sa kaligtasan, kagalingan, at agarang pagbangon ng mga apektadong komunidad.

The Apostolic Nuncio to the Philippines, Archbishop Charles John Brown, called me to convey the Holy Father’s heartfelt sympathies for all the survivors of the earthquake, and his prayers for the eternal repose of the victim,” pagbabahagi ni Archbishop Uy.

Malapit na sa puso ng Santo Papa ang Pilipinas, lalo na ang Cebu, dahil noong 2004 at 2010 ay bumisita siya, bilang noo’y Prior General ng Order of Saint Augustine, sa Augustinian Province of Santo Niño de Cebu.

Samantala, isinailalim na sa state of calamity ang buong lalawigan ng Cebu bunsod ng patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nasawi, malawakang pinsala sa mga imprastruktura, at pagkaantala sa mga pangunahing serbisyo.

Patuloy rin ang pagtutulungan ng simbahan at pamahalaan upang matiyak ang mabilis na pagtugon at pag-agapay sa mga biktima, lalo na sa Bogo City na siyang episentro ng lindol.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Karagatan para kanino?

 47,205 total reads

 47,205 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 83,995 total reads

 83,995 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 117,088 total reads

 117,088 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 168,313 total reads

 168,313 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 229,941 total reads

 229,941 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 52,055 total reads

 52,055 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top