Mga apektado ng lindol sa Cebu, tutulungan ng Caritas Manila

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 26,566 total reads

Tutulong ang Caritas Manila sa mga Cebuanong lubhang naapektuhan ng 6.9 magnitude na lindol na puminsala sa lalawigan noong Setyembre 30.

Ayon kay Fr. Anton Pascual, executive director ng social arm ng Archdiocese of Manila, nakikipag-ugnayan na sila sa Caritas Cebu upang agad na makapaghatid ng tulong sa mga apektadong komunidad.

“Una sa lahat tayo ay nananalangin para sa kaligtasan ng mga Cebuano. Tayo ay handang tumulong para sa relief, rehabilitation, at reconstruction ng mga napinsala ng lindol. Tayo ay handang tumulong sa pamamagitan ng Caritas Cebu,” pahayag ni Fr. Pascual sa Radyo Veritas.

Batay sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), mahigit 70 katao na ang nasawi habang mahigit 200 ang sugatan. Tinatayang nasa 200,000 indibidwal din ang labis na naapektuhan ng sakuna, partikular sa Bogo City, Cebu, na tinukoy bilang epicenter ng lindol.

Binigyang-diin ni Fr. Pascual ang kahalagahan ng pagtutulungan sa ganitong mga pagkakataon upang maibsan ang paghihirap ng mga naapektuhan at matulungang mabilis silang makabangon mula sa trahedya.

Samantala, ipinag-utos ni Cebu Archbishop Alberto Uy sa mga parokya ang pagpapatupad ng inisyatibong “adopt a parish”, kung saan ang mga parokyang hindi naapektuhan ng lindol ay tutulong sa mga parokyang labis na nasalanta upang matiyak ang pantay na paglingap sa mga komunidad.

Kasabay nito, puspusan ang ginagawang structural assessment sa mga simbahan at rectory ng arkidiyosesis, lalo na sa hilagang bahagi ng Cebu na matinding tinamaan ng malakas na pagyanig.

Ipanalangin at protektahan ang mga inuusig

 7,901 total reads

 7,901 total reads Hinimok ni Caritas Philippines President at San Carlos Bishop Gerardo Alminaza ang mga mananampalataya na ipagtanggol ang kalayaan ng bawat isa na isabuhay

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Usapang klima

 14,357 total reads

 14,356 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 130,134 total reads

 130,134 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 250,713 total reads

 250,713 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 300,260 total reads

 300,260 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top