Bishop Santos, nagpaabot ng pakikiramay at panalangin sa mga biktima ng lindol

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 16,811 total reads

Nagpaabot ng pakikiramay at panalangin si Antipolo Bishop Ruperto Santos para sa mga mamamayan ng Cebu na labis na naapektuhan ng magnitude 6.9 na lindol.

Ayon kay Bishop Santos, hindi pa man lubos na nakakabangon ang bansa mula sa nagdaang malalakas na bagyo ay muling naharap ang mga Pilipino sa panibagong pagsubok dahil sa pinsalang iniwan ng matinding pagyanig.

Gayunman, binigyang-diin ng obispo na sa sa kabila ng pangamba at hirap, ang Diyos ay nananatiling kanlungan at matibay na sandigan ng pananampalataya at pag-asa.

“Though we may feel overwhelmed, we are never abandoned. The Lord walks with us through every storm, every tremor, every tear,” bahagi ng pahayag ni Bishop Santos sa ipinadalang mensahe sa Radyo Veritas.

Sa kanyang panalangin, hiniling ni Bishop Santos na balutin ng Diyos ng pag-ibig at kalakasan ang mga Cebuano, at nawa’y ipadala ang mga anghel upang maging gabay at proteksyon sa bawat pamilya, lalo na ang mga nawalan ng mahal sa buhay.

Tiwala ang obispo na maging ilaw ng pag-asa at kagalingan ang Simbahan sa mga panahong ito ng matinding pangangailangan.

“In the face of adversity, let us be reminded that the cross leads to resurrection. Cebu will rise again, stronger and more united. And we, as one Church, will continue to walk with her every step of the way,” saad ni Bishop Santos

Batay sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot na sa 72 ang nasawi, higit 200 ang sugatan, at mahigit 200,000 katao ang apektado ng lindol.

A Prayer of Compassion and Strength for Cebu
“God of mercy and compassion, We lift up to You the people of Cebu, shaken by the earthquake and burdened by past storms. Wrap them in Your loving embrace, calm their fears, and restore their strength. Send forth Your angels to protect every family, every child, every soul in need. May Your Church be a beacon of hope and healing. And may we, Your people, rise together in faith, rebuilding not only homes but hearts. Through Christ our Lord. Amen.”

+RUPERTO CRUZ SANTOS, D.D.
Bishop of Antipolo and Parish Priest
International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Karagatan para kanino?

 47,207 total reads

 47,207 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 83,997 total reads

 83,997 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 117,090 total reads

 117,090 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 168,315 total reads

 168,315 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 229,943 total reads

 229,943 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 52,056 total reads

 52,056 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top