Pagdarasal ng Oratio Imperata kontra katiwalian, ipinag-utos ni Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 19,553 total reads

Ipinag-utos ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang pagdarasal ng Oratio Imperata para sa integridad, katotohanan at katarungan sa lahat ng parokya, oratoryo, kapilya at simbahan sa ilalim ng Archdiocese of Manila.

Sa kanyang pastoral letter, binigyang-diin ng kardinal ang lumalalang katiwalian sa bansa na hindi lamang nakasisira sa pamahalaan kundi pati sa lipunan at moralidad ng tao.

“The magnitude of corruption in our country is more and more appalling as we continue to discover its enormity and extent. It has caused untold damage to our institutions, to our people, and to the very fabric of our moral and social life,” ayon kay Cardinal Advincula.

Inihayag ng kardinal, ang korapsyon ay hindi lamang isang usaping pampulitika o pang-ekonomiya kundi isang mabigat na suliraning moral at espiritwal.

“The evil of corruption is not merely a political or economic problem; it is a profound moral and spiritual crisis that gravely wounds the dignity of the human person and betrays the common good,” giit ng kardinal.

Ipinaliwanag din ng arsobispo na ang pagdarasal ng Oratio Imperata ay isang natatanging hakbang na isinasagawa lamang sa mga pinakamalubhang kalagayan ng lipunan.

Kasabay nito, ipinag-utos din ni Cardinal Advincula ang pagpapatunog ng mga kampana sa lahat ng simbahan tuwing alas-8 ng gabi bilang panawagan laban sa katiwalian at paanyaya sa pagbabalik-loob.

“We order that all the bells of our churches be rung every evening at 8:00 P.M.—a prophetic cry of indignation and outrage against the evil of corruption, as well as a resounding call to contrition and conversion,” ani ng kardinal.

Hinikayat din ng arsobispo ang sambayanan na magkaisa at manindigan para sa katotohanan at katarungan.

“Signs of hope continue to shine… in the growing awareness among our people of the grave evil of corruption, by their courage to stand up, take to the streets, and become actively involved,” dagdag ng arsobispo.

Ipinaalala rin ng arsobispo na sa pamamagitan ng sama-samang panalangin at pagtitiwala sa Diyos, sa gabay ng Mahal na Birheng Maria, ang bansa ay makasusumpong ng liwanag at tunay na pagbabago.

Samantala, nananatiling mainit ang imbestigasyon ng Kongreso hinggil sa multibillion-peso flood control projects at budget insertions sa 2025 national budget, kung saan nadaragdagan pa ang pangalan ng mga mambabatas na nasasangkot.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 91,169 total reads

 91,169 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 185,199 total reads

 185,199 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 229,467 total reads

 229,467 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 252,576 total reads

 252,576 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 323,583 total reads

 323,583 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top