Pontifical coronation, iginawad ni Pope Leo XIV sa imahe imahe ng Nuestra Señora de los Ángeles ng Pila Pila, Binangonan, Rizal

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 20,923 total reads

Malugod na ibinahagi ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang paggawad ni Pope Leo XIV ng Pontifical Coronation sa imahe ng Nuestra Señora de los Ángeles ng Pila Pila, Binangonan, Rizal.

Ayon sa obispo, isang malaking biyaya para sa diyosesis at sa lokal na simbahan ng Rizal ang pagkilalang ito na magpapalago ng debosyon sa Mahal na Ina, lalo’t kilala ang mga Pilipino bilang Pueblo Amante de Maria.

“We are very thankful to His Holiness, Pope Leo XIV, for this immense blessing. We renew our filial affection and take this amazing honor of the pontifical coronation of this historic and hallow 133-year-old Nuestra Señora de los Ángeles as a responsibility to further spread our Catholic faith, deepen our Marian devotion and live more concretely the teachings of our Church,” pahayag ni Bishop Santos sa Radyo Veritas.

Binigyang-diin ng obispo na ang pagkilala ng Simbahang Katolika sa imahe ng Mahal na Ina ay magsisilbing gabay sa mga mamamayan, lalo na sa mga naninirahan malapit sa lawa ng Laguna de Bay.

“With the Pontifical Coronation of Nuestra Señora de los Ángeles, which geographically lies along and facing the Laguna de Bay, we humbly invoke her as our Lady of the Lake, shining and guiding star of our fisher folks plying around the Talim island,” dagdag pa ng obispo.

Batay sa tala, nagsimula ang debosyon sa Our Lady of the Angels noong 1892 nang masaksihan ni Teniente Ambrosio Blanco ang isang liwanag at estampa ng Mahal na Birheng Maria.

Mula sa larawan sa estampa ay nilikha ang imahen ni Juan de Plamenco ng Malate, Manila, na inilipat sa isang kapilya sa Pila Pila. Noong 2022, ginawaran ito ng Episcopal Coronation bilang pagkilala sa 130 taon ng debosyon.

Noon, ipinagdiriwang ang pista ng Nuestra Señora de los Ángeles tuwing March 15, subalit inilipat ito sa August 2, alinsunod sa liturhikal na kapistahan ng Birheng Reyna ng mga Anghel.

Ipinahayag ni Bishop Santos na sa pamamagitan ng pamamatnubay ng Mahal na Ina, matatagpuan ng mga mananampalataya ang landas patungo kay Kristo.

“With the Blessed Mother Mary we come to Jesus. And from Jesus graces spring and ocean of mercy overflows,” ani Bishop Santos.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 90,137 total reads

 90,137 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 184,167 total reads

 184,167 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 228,435 total reads

 228,435 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 251,544 total reads

 251,544 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 322,604 total reads

 322,604 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top