CMSP-JPICC, nakiisa sa pambansang araw ng pagkilos laban sa coal at gas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 18,665 total reads

Nakibahagi ang Conference of Major Superiors in the Philippines – Justice, Peace, and Integrity of Creation Commission (CMSP–JPICC), kasama ang mga katuwang sa misyon, sa Pambansang Araw ng Pagkilos Laban sa Coal at Gas nitong October 2, 2025, kasabay ng pagdiriwang ng Panahon ng Paglikha.

Sa Banal na Misa sa St. Anthony de Padua Shrine sa Sampaloc, Manila, ibinahagi ni CMSP-JPICC National Coordinator, Fr. Angel Cortez, OFM, ang paninindigan ng kapulungan para sa pangangalaga ng kalikasan at pagtataguyod ng katarungan para sa mga maralitang lubos na apektado ng krisis sa klima.

Matapos ang Misa, nagsagawa ang mga relihiyoso’t relihiyosa ng Climate Walk patungong Plaza Mendiola upang makiisa sa iba’t ibang grupong nagtipon bilang bahagi ng paggunita sa National Day of Action Against Coal and Gas.

“Sa Pambansang Araw ng Pagkilos Laban sa Coal at Gas, ang Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP) – Justice, Peace, and Integrity of Creation Commission (JPICC), kasama ang aming mga katuwang sa misyon, ay nakikiisa sa libu-libong Pilipino sa Kalakhang Maynila at sa iba’t ibang panig ng bansa sa isang sama-samang sigaw para sa katarungan,” pahayag ng CMSP-JPICC.

Nakikiramay rin ang CMSP-JPICC sa mga nasalanta ng mga nagdaang kalamidad—ang mga nawalan ng tahanan at buhay sa lindol sa Cebu, naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Taal sa Batangas, at mga nasalanta ng bagyo at pagbaha sa iba’t ibang panig ng bansa.

Anila, patunay ito ng kahinaan ng Pilipinas sa umiiral na krisis sa klima na lalong pinalalala ng pang-aabuso sa kalikasan.

Mariing kinondena ng kapulungan ang katiwalian at kasakiman na sumisira sa tiwala ng mamamayan, kabilang ang maling paggamit ng bilyun-bilyong pisong pondo para sa flood control.

Binatikos din ng CMSP-JPICC ang patuloy na pagtangkilik sa coal at gas na nagdudulot ng mataas na singil sa kuryente at malawakang pinsala sa kalikasan.

“Ang pagkakasalalay sa coal at gas ay naglulubog sa bansa sa siklo ng mataas na presyo ng kuryente, pagkasira ng kalikasan, at lumalalang epekto ng pagbabago ng klima… Kapag nilalapastangan ang pampublikong yaman at ipinapailalim sa kasakiman ang enerhiya, ninanakawan ng iilan ang mahihirap at inilalagay sa panganib ang kinabukasan ng lahat,” ayon sa CMSP-JPICC.

Iginiit ng kapulungan na ang kanilang paninindigan ay kaisa ng mga lalawigang nagdurusa dahil sa mga proyektong nakapipinsala sa kalikasan, kabilang ang Quezon, Batangas, Mindoro, Leyte, Samar, Cagayan de Oro, Zambales, at Negros.

Hinimok ng grupo ang pamahalaan na isulong ang malinis, abot-kaya, at makatarungang enerhiya, at iginiit ang agarang paglipat sa renewable energy na nakaugat sa katarungan at pangangalaga sa kalikasan.

“Tama na ang uling. Tama na ang gas. Tama na ang katiwalian sa mga proyektong pang-enerhiya at pang-kontrol ng baha. Oo sa malinis, abot-kaya, at makatarungang enerhiya. Oo sa tapat at pananagutan sa pamahalaan,” sigaw ng CMSP-JPICC.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Karagatan para kanino?

 47,717 total reads

 47,717 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 84,507 total reads

 84,507 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 117,551 total reads

 117,551 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 168,756 total reads

 168,756 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 230,384 total reads

 230,384 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 52,078 total reads

 52,078 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top