Pamahalaan at mamamayan, hinimok ng Obispo na makiisa sa “Renew Mindoro” campaign

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 27,798 total reads

Nanawagan si Calapan, Oriental Mindoro Bishop Moises Cuevas na pagtibayin ang pagkakaisa ng Simbahan, pamahalaan, at mamamayan sa pagsusulong ng renewable energy bilang hakbang tungo sa makatao at makakalikasang kinabukasan para sa Mindoro.

Ayon kay Bishop Cuevas, ang paggamit ng renewable energy ay hindi lamang usapin ng kuryente, kundi karapatan ng bawat mamamayang mamuhay sa liwanag na abot-kaya, makatao, at napapanatili.

Ginawa ng obispo ang panawagan sa paglulunsad ng “REnew Mindoro” campaign, na naglalayong isulong ang ganap na paglipat ng isla tungo sa paggamit ng renewable energy.

“If we move collectively as the Church, local governments, civil society, communities, and Indigenous Peoples, Mindoro can truly become an island of light – powered by the sun and wind, not by fossil fuels. Light for everyone, not just for a few. And light that reflects a faith in action,” pahayag ni Bishop Cuevas.

Batay sa ulat ng Center for Energy, Ecology, and Development (CEED), malaki ang kakayahan ng isla ng Mindoro sa renewable energy na tinatayang aabot sa 35,000 megawatts (MW), malayo sa 108 MW na kasalukuyang demand ng isla.

Ayon sa CEED, pinakamura pa rin ang kuryenteng mula sa renewable sources na nasa 5-7 piso kada kilowatt hour (kWh), kumpara sa hanggang 23 piso kada kWh mula sa langis.

Sinabi naman ni CEED Deputy Executive Director, Atty. Avril de Torres na malinaw sa mga datos na ang renewable energy, tulad ng solar at wind power, ang pinakaepektibong tugon sa matagal nang suliranin sa kuryente ng Mindoro.

“Renewables are more affordable, reliable, and sustainable. Political will from the government, and the empowerment and leadership of communities are the key to a power development plan that unlocks renewables for all Mindoreños,” ayon kay de Torres.

Patuloy na pinalalakas ng Simbahan ang pagtataguyod sa malinis at napapanatiling enerhiya bilang konkretong tugon sa Laudato Si’ ng yumaong Papa Francisco, na naglalayong pangalagaan ang kalikasan at itaguyod ang katarungang panlipunan, lalo na para sa mga pinakamahihirap na apektado ng krisis sa klima.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nagmamahal, Judith

 138,136 total reads

 138,136 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 171,465 total reads

 171,465 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 203,609 total reads

 203,609 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 269,673 total reads

 269,673 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 280,048 total reads

 280,048 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 123,351 total reads

 123,351 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top