Sama-samang pagrorosaryo, isasagawa sa Diocese of Kidapawan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 24,946 total views

Nanawagan ang Diyosesis ng Kidapawan sa lahat ng mananampalataya sa diyosesis na patuloy na makiisa sa pananalangin at pagsisisi para sa bayan.

Ito ang kongkretong tugon ng Diyosesis ng Kidapawan bilang patuloy na pakikiisa sa idineklarang National Day of Prayer and Repentance ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) upang ipanalangin ang sambayanang Pilipino at ang kasalukuyang kalagayan ng bansa.

Ayon sa panawagan ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, isasagawa ang sama-samang pananalangin ng Santo Rosaryo sa darating na Sabado, ika-11 ng Oktubre 2025, ganap na alas-5 ng hapon sa lahat ng mga Simbahan sa Diyosesis ng Kidapawan.

Kabilang sa mga gawain ang Adoration of the Blessed Sacrament at pagdarasal ng Santo Rosaryo bilang panawagan ng pagbabalik-loob sa Diyos at pagkakaisa ng sambayanan.

“The Diocese of Kidapawan joins the Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) in a National Day of Prayer and Repentance for our nation and the Filipino people. We invite ALL to come together in prayer!” Bahagi ng pahayag ng Diyosesis ng Kidapawan.

Layunin ng pagtitipon na sama-samang hilingin sa Panginoon ang kapayapaan, pagkakaisa, at bagong pag-asa para sa Pilipinas sa gitna ng mga pagsubok na kinahaharap ng bawat pamilya at ng bansa lalo na sa katiwalian sa kaban ng bayan.

“Let us unite our hearts and voices as we pray for our beloved country and for renewed hope. Your presence and prayers make a difference!” Paanyaya ng Diyosesis ng Kidapawan.

Matatandaang simula noong ika-7 ng Oktubre, 2025 kasabay ng Kapistahan ng Mahal na Birhen ng Santo Rosaryo ay ipinag-utos ng CBCP na dasalin sa mga Simbahan ang natatanging panalangin na may titulong “A National Cry for Mercy and Renewal,” na ipagpapatuloy tuwing araw ng Linggo hanggang sa Kapistahan ng Kristong Hari sa Nobyembre 23, 2025.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAG-ASA

 54,840 total views

 54,839 total views Kapanalig, tayong mga Pilipino ay patuloy na kumakapit sa Pag-asa (Hope). Nang ma-appoint si dating DOJ secretary Crispin Remulla na Ombudsman noong October

Read More »

VP Sara

 76,844 total views

 76,844 total views Kapanalig, mayroong kasabihan na walang lihim na hindi nabubunyag! Nabunyag sa pagdinig ng House Committee on Justice na dumidinig sa impeachment complaint na

Read More »

Itigil ang pagdanak ng dugo

 101,186 total views

 101,186 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 124,250 total views

 124,250 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 155,825 total views

 155,825 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top