CRS, pinangunahan ang rapid need assessment sa Cebu

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 23,275 total reads

Nakikiisa ang Catholic Relief Services (CRS) Philippines sa Rapid Needs Assessment na pinangungunahan ng Caritas Cebu, katuwang ang Caritas Germany at Caritas Spain sa ilalim ng nagkakaisang One Caritas response bilang tugon sa matinding pinsalang dulot ng 6.9-magnitude na lindol sa Cebu.

Nagsagawa ng pagbisita ang CRS Philippines sa mga pamilyang apektado ng malakas na lindol.

Nakipag-usap din ang donor agency sa mga lokal na opisyal sa San Remigio, Medellin, Daanbantayan, Bogo City, at Tabogon, upang makakalap ng datos ukol sa lawak ng pinsala at pinakamahalagang pangangailangan ng mga komunidad.

“In response to the catastrophic 6.9-magnitude earthquake that struck Cebu Province, CRS Philippines is actively supporting the Rapid Needs Assessment led by Cebu Caritas, in collaboration with Caritas Philippines and international Caritas member organizations (CIMOs) including Caritas Germany and Caritas Spain, under the unified One Caritas response. The CRS team visited affected households and conducted interviews with local officials in San Remigio, Medellin, Daanbantayan, Bogo City, and Tabogon—municipalities surrounding the epicenter in Bogo City,” bahagi ng mensahe ng CRS Philippines.

Nabatid sa assessment na malaki ang kakulangan sa mga evacuation center, tubig, , kalinisan, kalusugan, mental health o psychosocial support, at kabuhayan sa mga nasalanta ng lindol.

Maraming ding pamilya ang nananatiling walang maayos na tirahan, limitado ang access sa malinis na tubig o serbisyong medikal kung saan higit na naaapektuhan ang mga bata at nakatatanda.

Patuloy na nakikipag-ugnayan ang CRS sa Diocesan Social Action Centers (DSACs) at Provincial Disaster Risk Reduction and Management Councils (PDRRMCs), gayundin sa United Nations agencies at iba pang Faith-Based Organizations, upang matiyak ang mabilis, angkop, at may dignidad na pagtugon sa pangangailangan ng mga nasalanta.

“These field visits are helping gather firsthand data on the extent of damage and the most pressing needs of displaced communities. CRS Philippines is helping assess urgent gaps in shelter, water, sanitation, hygiene, protection, health, mental health and psychosocial support, and livelihoods. Many families remain exposed to the elements, with limited access to clean water, medical care, and basic necessities. Uneven aid distribution and disrupted livelihoods are compounding vulnerabilities, especially for children and older persons. CRS continues to work closely with Diocesan Social Action Centers (DSACs) and Provincial Disaster Risk Reduction and Management Councils (PDRRMCs), while coordinating with UN agencies and Faith-Based Organizations to ensure a timely, targeted, and dignified response,” bahagi pa ng mensahe ng CRS Philippines.

Kahanay ito sa panawaga ni Pope Francis na ang pagtulong sa mga mahihirap at pinakanangangailangan ay isang konkretong pagpapahayag ng pananampalataya dahil sa bisa ng tulong ng CRS at mga katuwang nitong organisasyon, ipinapakita na ang pagkalinga ay higit pa sa salita dahil ito ay gawaing nagliligtas ng buhay at nagtataguyod ng dignidad.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 73,910 total reads

 73,910 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 108,992 total reads

 108,992 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 144,292 total reads

 144,292 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 370,561 total reads

 370,561 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 259,923 total reads

 259,923 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top