Papal Nuncio, nakikiisa sa pananalangin sa mga naapektuhan ng magkasunod na kalamidad

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 31,116 total views

Ipinapanalangin ni Papal Nuncio to the Philippines, Archbishop Charles Brown, ang mga mamamayang labis na naapektuhan ng magkakasunod na kalamidad sa bansa.

Sa kanyang pastoral visit on the air sa Radyo Veritas nitong Lunes, binigyang-diin ng nuncio ang serye ng mga sakunang tumama sa Pilipinas kabilang ang mga lindol sa Visayas at Mindanao, gayundin ang pananalasa ng mga Bagyong Tino at Uwan na nagdulot ng matinding pinsala sa iba’t ibang rehiyon.

“We pray in a very special way for those who have suffered in these recent natural disasters, the earthquake, the two typhoons that we’ve gone through,” ayon kay Archbishop Brown.

Ipinagdarasal din ng kinatawan ng Santo Papa ang katatagan at pagbangon ng bawat Pilipino, lalo na ng mga pamilyang nawalan ng mga mahal sa buhay, at hinimok ang lahat na magkaisa sa pagtulong sa mga biktima.

“We pray that God will comfort those who have suffered loss in any way, especially those who have lost their lives, that God will comfort their families, and that we will be generous in helping them,” dagdag pa ng nuncio.

Batay sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot na sa 224 ang bilang ng mga nasawi sa pananalasa ng Bagyong Tino, kung saan 158 dito ay mula sa Cebu. Tinatayang halos isang milyong pamilya, o katumbas ng mahigit tatlong milyong indibidwal, ang apektado.

Samantala, umabot naman sa bilyong pisong halaga ang kabuuang pinsala sa mga ari-arian at imprastraktura dulot ng mga bagyo at lindol sa buong bansa. Dahil dito, isinailalim ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang buong bansa sa isang taong state of national calamity upang mapabilis ang pagtugon at rehabilitasyon sa mga apektadong lugar.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NUMBER’S GAME

 38,585 total views

 38,585 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 44,714 total views

 44,714 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 74,856 total views

 74,856 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 94,574 total views

 94,574 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Hindi lang ‘for the content’

 113,758 total views

 113,758 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top