Caritas Manila, namahagi ng tulong sa mga naapektuhan ng bagyo sa lungsod ng Maynila

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 53,924 total reads

Nagsagawa ang Caritas Manila ng malawakang pamamahagi ng tulong sa mga mamamayan sa Maynila na lubhang nasalanta ng bagyong Uwan.

Nito November 10, 2025, namahagi ng tulong ang Caritas Manila ng tulong sa mga residenteng nasasakupan ng Nuestra Señora Dela Soledad Parish sa San Nicholas Binondo, Parish of the Risen Christ sa Tondo at San Jose Manggagawa sa Maynila.

Ayon kay Ramona Ilucito – Social Service Development Ministry (SSDM) Volunteer Coordinator nang Nuestra Señora Dela Soledad Parish, 226 na pamilya mula sa Barangay 275 ng lungsod ng Maynila ang nabigyan ng tulong ng social arm ng Archdiocese of Manila.

“Ngayon po, pupuntahan po namin kung totoo pong nasalanta at doon po sa evacuation (centers)- siyempre po malakas po ang ulan hindi po kami agad makalabas, pinuntahan po namin kaninang umaga po ngunit wala na po ang iba dahil inilipat sila ng evacuation centers kaya ngayon po, nagpatulong po kami sa Baranggay at yun nga po, nailista na namin sila ng maayos” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Ilucito.

Labis naman ang pasasalamat ni Alexandra Salazar – SSDM Coordinator sa Risen Christ Parish sa naging pamamahagi ng relief assistance ng Caritas Manila sa 90-mahihirap na pamilyang lubhang naapektuhan ng bagyo.

“Yung kagabi po na sobrang lakas po ng hangin, yung bahay po nila ay binaha po talaga, tapos yun po, na-force evacuate po sila ng Baranggay, maraming-maraming salamat po sa Caritas Manila at mabilis po yung pagtugon nila para po sa mga nasalanta po ng Bagyong Uwan,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Salazar.

Patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng Caritas Manila sa mga SSDM Coordinator sa ibat-ibang Parokya sa Archdiocese of Manila upang kagyat na maipadala ang tulong sa mga mamamayang nasalanta ng kalamidad.

Nakipag-ugnayan na rin ang Caritas Manila sa Santo Niño De Baseco sa Manila Port Area upang malaman ang tiyak na bilang ng mga padadalahan ng tulong na sinasabing umaabot ng 1,378 na pamilya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 38,739 total reads

 38,739 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 89,097 total reads

 89,097 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 136,968 total reads

 136,968 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 240,916 total reads

 240,916 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 325,016 total reads

 325,016 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top