Holy Name University, kinilala ng Diocese of Tagbilaran at Talibon na Catholic University of Bohol

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 18,425 total reads

Kinilala ng mga Diyosesis ng Tagbilaran at Talibon ang Holy Name University (HNU) bilang The Catholic University of Bohol, isang makasaysayang pagkilalang nagpapatibay sa misyon nitong maghatid ng edukasyong nakaugat sa pananampalatayang Kristiyano.

Sa isinapublikong kautusan na nilagdaan nina dating Tagbilaran Bishop Alberto Uy at Bishop Patrick Daniel Parcon ng Talibon, ipinahayag ng Simbahan na ang bagong titulo ay sagisag ng natatanging misyon ng HNU bilang sentro ng talino at pananampalataya sa Bohol.

“We hereby grant unto the Holy Name University the title of The Catholic University of Bohol. By this designation, the Catholic University of Bohol shall serve as a hub for intellectual and spiritual life in the Dioceses of Tagbilaran and Talibon, and act as a beacon of Catholic thought, ensuring that the Gospel message informs and shapes the pursuit of knowledge and the formation of students,” ayon kina Bishops Uy at Parcon.

Ipinahayag ng mga obispo ang kanilang tiwala sa patuloy na papel ng unibersidad sa pagsusulong ng dangal ng tao, pamanang kultural, at edukasyong nakaugat sa Ebanghelyo.

“Through the years, the University has consistently operated as a private, Catholic, co-educational institution serving the educational needs of the province and the wider community,” dagdag pa nila.

Ang pagkilalang ito ay bunsod ng petisyon ni Fr. Ruel F. Lero, S.V.D., pangulo ng HNU, na inihain noong Pebrero 18, 2025. Matapos ang masusing pagsusuri ng mga kaukulang tanggapan, pinagtibay nina Bishops Uy at Parcon ang nasabing pagkilala noong Agosto 15, 2025, kasabay ng pagdiriwang ng ika-164 anibersaryo ng ordinasyon ni Saint Arnold Janssen, tagapagtatag ng Society of the Divine Word (S.V.D.).

Itinatag ang Holy Name College noong 1947 ni Rev. Alphonse Lesage, S.V.D., sa patnubay ni dating Tagbilaran Bishop Julio Rosales. Noong 1964, ganap itong nailipat sa pamamahala ng Society of the Divine Word at tinawag na Divine Word College of Tagbilaran (DWC-T). Taong 2001 naman nang ito ay ginawaran ng katayuang unibersidad at muling tinawag na Holy Name University.

Baby Bishop course sa Vatican, nagsimula na

 21,528 total reads

 21,528 total reads Ibinahagi ni Radio Veritas Vatican Correspondent Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston, Rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma ang pagsisimula ng formation course

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 168,629 total reads

 168,629 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 203,305 total reads

 203,305 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 219,747 total reads

 219,747 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 256,234 total reads

 256,234 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 264,724 total reads

 264,724 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top