Tema ng 461st Fiesta Señor: “In Santo Niño We Are One”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 31,974 total views

Isinapubliko ng Basilica Minore del Santo Niño de Cebu ang opisyal na tema ng 461st Fiesta Señor na gaganapin sa Enero 2026 — “In Santo Niño We Are One.”
Ayon sa pamunuan ng basilica, ang tema ay panawagan ng simbahan para sa pagkakaisa kay Kristo, alinsunod sa adhikain ng simbahang sinodal o sama-samang paglalakbay sa pananampalataya.
“This call for oneness is especially urgent today. In the context of the Church’s synodal journey, the recent election of Pope Leo XIV, and ongoing human conflicts, the Fiesta Señor is a proclamation of peace in the name of Jesus Christ, the Prince of Peace,” ayon sa pahayag ng basilica.
Binigyang-diin ng simbahan na ang pagdiriwang ay higit pa sa tradisyon—ito ay isang panawagan sa mga deboto ng Batang Hesus na isabuhay ang kapayapaan, kabutihan, at pagkakawanggawa.
“It is through the loving gaze of the Infant King that devotees are drawn to the one God who is Love, fostering hope for peace and unity within the Christian community and the world,” dagdag ng basilica.
Bilang bahagi ng paghahanda, magsasagawa ng pagbisita ang pilgrim image ng Santo Niño de Cebu sa mga piling simbahan sa lungsod at karatig-parokya sa Disyembre 27 at 28.
Kabilang sa mga bibisitahin ang John the Baptist Parish sa Sudlon 1, Birhen sa Gudalupe sa Sugbo Parish sa Babag II, Sto. Niño Parish sa Cebu City, at San Pedro Calungsod Parish sa Pulangbato.
Mula Enero 3 hanggang 7, 2026, dadalhin naman ang imahe ng Batang Hesus sa mga penitentiary centers at ospital bilang bahagi ng pastoral outreach program ng basilica.
Narito ang mga pangunahing aktibidad ng kapistahan:
•Enero 8: Opening Salvo at pagsisimula ng Novena Masses (hanggang Enero 18)
•Enero 15–16: Traslacion
•Enero 17: Vísperas na may fluvial parade, reenactment, solemn foot procession, at tradisyonal na Sinulog
•Enero 18: Araw ng Kapistahan ng Batang Hesus
Ang Fiesta Señor ay kinikilala bilang isa sa pinakamalaking relihiyosong pagdiriwang sa bansa, na taunang dinarayo ng milyun-milyong deboto at turista mula sa iba’t ibang panig ng Pilipinas at ng daigdig.
Sa temang “In Santo Niño We Are One,” hangarin ng simbahan na maging pista ng pagkakaisa at kapayapaan, isang paalala sa lahat ng mananampalataya na “pursue what makes for peace and mutual upbuilding” (Roma 14:19).

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 13,508 total views

 13,508 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 46,590 total views

 46,590 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 74,941 total views

 74,941 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 142,671 total views

 142,671 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 164,751 total views

 164,751 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top