Inaanyayahan ng Cofradía del Tránsito de Nuestra Señora ang lahat ng mananampalataya na makibahagi sa kapistahan ng Nuestra Señora de la Salud sa November 17.
Ayon kay Fr. Robin Ross Plata, OAR, spiritual director ng cofradía, natatangi ang pagdiriwang ngayong taon sapagkat kasabay nito ang paglulunsad ng siyam na taong paghahanda para sa ika-400 anibersaryo ng pagdating ng imahe ng Nuestra Señora de la Salud sa Pilipinas.
“Ngayong taon 2025 po ang ika-391st anniversary ng pagdating ni Nuestra Señora de la Salud dito sa Pilipinas. This anniversary is a time for us to reflect on the enduring faith that has guided us for four centuries,” pahayag ni Fr. Plata sa Radyo Veritas.
Ibinahagi ng pari na puspusan ang paghahanda ng cofradía at ng mga paring Agustino para sa makasaysayang ikaapat na siglo ng pananatili ni Inay Salud sa bansa, na patuloy na nagiging katuwang ng mananampalataya sa pananalangin lalo na para sa may karamdaman.
Ayon kay Fr. Plata, bawat taon sa siyam na taong paghahanda ay may nakalaang tema batay sa nobenaryo at sa pastoral priorities ng 2nd Plenary Council of the Philippines.
Sa paglulunsad ng 9-year festivities, iniukol ng cofradía ang tema ngayong taon para sa pamilya bilang Year of the Family.
“Year one is the Year of the Family… dahil ang pamilya ang siyang bumubuo ng lipunan. Kung ang isang pamilya ay may sakit o watak-watak, pati ang lipunan po natin ay sira-sira at watak-watak din,” paliwanag ni Fr. Plata.
Inaanyayahan ng pari ang mamamayan na makiisa sa pagdiriwang at dalawin ang nakadambanang imahe ni Inay Salud sa San Nicolas de Tolentino Parish sa Bahay Toro, Quezon City.
Tuwing unang Huwebes ng buwan ay inilalabas ang orihinal na imahe ng Inay Salud para sa devotional mass tuwing alas-sais ng gabi, na sinusundan ng pagmamanto o ang pagpapatong ng belo ng Mahal na Birheng Maria sa mga debotong humihiling ng kagalingan.
Inihandang tema naman sa ika – 400 anibersaryo sa 2034 ang “With Inay Salud, We Journey On: 400 Years of Faith, Fidelity, and Fortitude.”
Narito ang taunang tema sa paghahanda ng 400th anniversary ng Inay Salud:
Year 1: Year of Families
The Birth of the Virgin Most Holy (2025 – 2026)
Year 2: Year of Vocations
The Presentation of Mary Most Holy (2026 – 2027)
Year 3: Year of the Youth
The Annunciation of the Most Holy Mary (2027 – 2028)
Year 4: Year of the Laity
The Visitation of the Most Holy Mary (2028-2029)
Year 5: Year of the Eucharist
The Expectation of Mary
(2029-2030)
Year 6: Year of Evangelization
The Purification of Mary Most Holy
(2030-2031)
Year 7: Year of the Poor, the Sick, and the Suffering
The Solitude of Mary Most Holy (2031-2032)
Year 8: Year of the Parish and the Pilgrims
The Assumption of Mary Most Holy (2032-2033)
Year 9: Year of Consecration to the Blessed Virgin Mary
The Crowning of Mary Most Holy (2033-2034)






