CRS Philippines at humanitarian arm ng simbahan naghatid ng agarang tulong sa mga nasalanta ng Bagyong Tino at Uwan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 34,682 total views

Nagpapatuloy ang malawakang humanitarian response ng Catholic Relief Services (CRS) Philippines at Caritas sa iba’t ibang rehiyon na matinding sinalanta ng magkakasunod na Bagyong Tino at Uwan.

Sa Bohol, nakipagtulungan ang CRS Philippines sa Tagbilaran Disaster Risk Reduction and Management Office para ilunsad ang Strengthening Typhoon Anticipatory Action Response of Tagbilaran o STAART Project.

Bilang bahagi ng programang ito, namahagi ang CRS ng tig-P6,000 na cash vouchers sa 468 pamilyang napiling benepisyaryo upang makapagsimula silang muli sa pagpapatayo at pagkukumpuni ng kanilang mga nasirang tahanan.

Ayon sa CRS Philippines, ang inisyatibong ito ay patunay ng kanilang pagtutulak para sa early action at resilience building, kasabay ng pagpapatupad ng Republic Act 12287—ang kauna-unahang batas sa buong mundo na nagbibigay ng legal na batayan para sa anticipatory action sa panahon ng sakuna.

“The STAART Project… builds government capacity on climate change and anticipatory action—reducing disaster impacts before they occur,” pahayag ng CRS.

Samantala, nagpadala rin ng agarang tulong ang CRS Philippines sa Catanduanes sa pakikipagtulungan sa Caritas Virac para sa mga pamilyang lubhang naapektuhan ng Bagyong Uwan. Kabilang sa ipinararating na ayuda ang food packs, bedding materials, at cooking and eating utensils para tugunan ang agarang pangangailangang naiwan ng pananalasa ng bagyo.

Sinusuri din ng US Government Asia Bureau – Bureau of Population, Refugees, and Migration (PRM) ang pinsala sa Catanduanes kasama ng CRS teams upang matukoy ang karagdagang kinakailangang suporta.

“Together, we stand with the people of Catanduanes,” bahagi ng mensahe ng CRS.

Kasabay nito, nagpapatuloy ang relief efforts ng Caritas Manila, na naunang naghatid ng pagkain at iba pang pangunahing pangangailangan sa mga naapektuhan sa Metro Manila matapos ang pananalasa ng Bagyong Tino at Uwan.

Patuloy ang pagtugon ng Simbahang Katolika at mga katuwang nitong organisasyon bilang tugon sa lumalalang epekto ng matitinding kalamidad sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 9,544 total views

 9,544 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 60,228 total views

 60,228 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 66,357 total views

 66,357 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 96,166 total views

 96,166 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 114,751 total views

 114,751 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Magnifica Humanitas, pinuri ng EOF

 5,710 total views

 5,710 total views Pinuri ni Economy of Francesco Foundation Scientific Coordinator – Luigino Bruni ang kauna-unahang encyclical ni Pope Leo XIV na pinamagatang Magnifica Humanitas, na

Read More »
Scroll to Top