Katarungang pangklima, panawagan ng PMPI sa COP30 summit

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 26,853 total reads

Nanawagan ang Philippine Misereor Partnership, Inc. (PMPI) sa mga delegado ng 30th United Nations Framework Convention on Climate Change (UNFCCC) o Conference of Parties (COP30 Summit) sa Belem, Brazil, agad na kumilos para sa tunay na katarungang pangklima, lalo na sa harap ng matitinding pinsala mula sa sunod-sunod na sakuna sa Pilipinas.

Ayon sa grupo, hindi “galit ng kalikasan” ang nagpapahirap sa mga Pilipino, kundi ang patuloy na kapabayaan at maling pamamahala.

“Instead of systematically advancing adaptation and resilience, some of our adaptation measures, such as flood-control infrastructure, have increasingly become a loot bag for our political leaders and their dynastic families,” pahayag ng PMPI.

Iginiit ng PMPI na dapat grant-based at madaling ma-access ang Loss and Damage Fund, at hindi dapat ipasa sa mga mahihirap at mahihinang bansa tulad ng Pilipinas, ang gastos ng krisis sa klima.

Mariin ding kinondena ng grupo ang mga pekeng solusyon tulad ng carbon markets at geoengineering, na ginagamit lamang para makaiwas sa pananagutan ang malalaking polluter.

Tinuligsa rin ng PMPI ang malakas na impluwensiya ng malalaking kumpanya sa mga usaping pangklima at ang paggamit ng “greenwashing” upang pagandahin ang anyo ng mapaminsalang proyekto.

Para sa PMPI, ang tunay na solusyon ay nakabatay sa pangangalaga ng kalikasan, karapatan ng mga pamayanan, at paggalang sa mga katutubo.

Hinikayat din ng grupo ang mabilis na paghinto ng fossil fuel expansion, large-scale mining, at labis na pagkuha ng likas-yaman, habang isinusulong ang mga tunay na makakalikasang solusyon na nakatuon sa kalikasan at tao.

“COP30 must deliver more than words. It must deliver justice. PMPI joins Mother Nature, frontline communities, civil society, and global movements in demanding a World Order that ensures a climate future built on accountability, equity, and the protection of our common home,” saad ng PMPI.

Kaugnay nito, una nang nanawagan si Catholic Bishops’ Conference of the Philippines President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David, sa COP30 Summit para sa ecological conversion at pagtalikod sa mga maling solusyon na nagpapahintulot sa mayayamang bansa at korporasyon na ipagpatuloy ang negosyo habang ang mga mahihirap bansa ang higit na apektado ng pinsala.

Isasagawa ang COP30 Summit mula November 10 hanggang 21, 2025, at ito rin ang unang pagbabalik ng global climate summit sa Brazil, na unang naging host ng 1992 Rio Earth Summit kung saan pinagtibay ang UNFCCC.

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 20,250 total reads

 20,250 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 40,453 total reads

 40,453 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 80,054 total reads

 80,054 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 114,182 total reads

 114,182 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 170,587 total reads

 170,587 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 178,682 total reads

 178,682 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top