Malawakang pagkilos para sa pananagutan ng mga corrupt, pangungunahan ng CGG at Cardinal David

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 33,653 total views

Idadaos ng Clergy for Good Governance (CGG) ang punong talakayan sa November 19, 2025 kaugnay ng malawakang pagkilos sa November 23 at 30, 2025.

Sa isasagawang Press conference sa Edsa Shrine, ibabahagi rin ang mensahe ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David para sa mga Pilipino hinggil sa patuloy na paglaban sa katiwalian.

Ito ang paanyaya ni Running Priest Father Robert Reyes nang CGG upang maging handa ang mga Pilipino at mamamahayag hinggil sa mga dapat asahang mangyari sa dalawang linggong magkakasunod na pagkilos.

“Lalabas po bukas yung audio/video message ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David tungkol sa November 23/30 Mass/rally ng simbahan at mga iba’t ibang sektor para sa accountability, transparency, and against corruption. Kaya bukas po, magsasama ang Clergy for Good Governance at ang mga partners nito sa EDSA Shrine sa ganap na alas-nuwebe y medya hanggang alas-diyes, at doon ilalabas po ang video message ni Cardinal Ambo na nakikiisa sa lahat dahil siya po ngayon ay nasa Brazil, nag-aattend ng COP30.” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Fr.Reyes

Hinimok ni Fr.Reyes ang mga Pilipino na tutukan at alamin ang ruta, polisiya at mahahalagang tagubilin sa pagkilos na pangungunahan ng simbahan sa Nov.23 at 30.

Ayon sa Pari, bilang paunang mensahe layung maipaalam sa Pilipino na ang Panginoong Hesukristo ay kasama ng mga tao at maglilingkod sa sanlibutan upang maisulong ang kabutihan at katotohanan higit na ngayong nababalot ng anomalya ang pamamahala sa kaban ng bayan.

“Yung leader na naglilingkod, yung leader na lingkod, kaya ipaliliwanag niya ’yan, palalalimin niya ’yun sa konteksto ng korapsyon, ng impunity, walang accountability, walang transparency. Kaya po nakarating tayo sa puntong ito — nabulaga na lang tayo na matagal na palang nangyayari yung pagnanakaw ng ating pondo, yung mismong mga dapat na napoprotekta nito,”

Noong September 21 2025 ay una nang naidaos ang Trillion Pesos March kung saan nanindigan ang Simbahan kasama ang iba pang mga relihiyon, Pilipino at kalipunan ng mga grupo sa EDSA People Power Shrine upang kundenahin ang maanomalyang flood control projects at mga nabubunyag na katiwalian sa pamahalaan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sa loob ng 24 oras

 17,946 total views

 17,946 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 35,746 total views

 35,746 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 35,746 total views

 35,746 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 148,990 total views

 148,990 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Labanan ang climate disinformation

 170,055 total views

 170,055 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top