Pilipinas, nangangailangan ng espiritwal na paghilom

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 14,667 total reads

Hinimok ni Cubao Bishop Elias Ayuban Jr. ang mga mananampalataya na palalimin ang debosyon kay Nuestra Señora de la Salud kasabay ng panawagan para sa pananagutan sa gitna ng lumalalang korapsyon sa bansa.

Sa pagdiriwang ng kapistahan ng Our Lady of Health noong November 17 sa San Nicolas de Tolentino Parish sa Quezon City, binigyang-diin ng obispo na napapanahon ang muling pag-usbong ng debosyon sa Birhen, lalo’t ang pangalang Salud ay mula sa salitang Latin na salus na tumutukoy hindi lamang sa kalusugan kundi pati sa kaligtasan.

Ayon kay Bishop Ayuban, paalala ito na ang bansa ay nangangailangan hindi lamang ng pisikal na kagalingan kundi ng espirituwal na paghilom.

“We are so broken, so fragmented that we cry out for wholeness, for healing. That’s why we need our Blessed Mother’s intervention more than ever,” pahayag ni Bishop Ayuban sa Radyo Veritas.

Kaugnay ng paghahanda para sa ikaapat na sentenaryo ng pagdating ng Our Lady of La Salud sa Pilipinas, hinikayat ng obispo ang mga mananampalataya na tularan ang pagiging ina ni Maria sa mga naghihirap.

“We are a suffering people who need the maternal and tender intercession and accompaniment of our Blessed Mother,” aniya.

Kasabay nito, nanawagan si Bishop Ayuban sa publiko na manindigan laban sa katiwalian at bantayan ang paggamit ng pondo ng bayan.

“We, as people of God, as sons and daughters of Mary, cannot be silent in front of massive corruption,” giit niya

Ipinaalala ng Obispo na ang pondo para sa kalusugan, edukasyon at kapakanan ng mamamayan ay hindi dapat mapunta sa “pandarambong at pagnanakaw.”

Inanyayahan din ng obispo ang mamamayan na makiisa sa mga pagtitipon, kabilang ang misa sa November 23 para sa ika-100 anibersaryo ng Christ the King na pangungunahan ni Kalookan Bishop Cardinal Pablo Virgilio David sa National Shrine of Our Lady Queen of Peace o EDSA Shrine, alas 4:30 ng hapon.

Pangungunahan naman ni Bishop Ayuban ang misa sa EDSA People Power Monument sa November 30 para sa “1 Trillion March” sa ganap na alas-10 ng umaga.

Samantala, pinangunahan din ng obispo ang paglulunsad ng siyam na taong paghahanda para sa ikaapat na sentenaryo, kabilang ang opisyal na pagpapakilala ng logo ng pagdiriwang.

Ang Our Lady of La Salud o Nuestra Señora de la Salud ay dinala sa Pilipinas ng mga Recoletos noong 1600s at kinilalang patrona ng kalusugan at kaligtasan. Mabilis lumaganap ang debosyon dahil sa mga ulat ng kagalingan at himala.

Humina ito sa paglipas ng panahon subalit muling binuhay ng mga Recoleto noong 2017 at patuloy na ipinalalaganap ang debosyon bilang Ina ng kagalingan at pag-asa ng mga mananampalataya.

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 20,202 total reads

 20,202 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 40,366 total reads

 40,366 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 79,970 total reads

 79,970 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 114,098 total reads

 114,098 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 170,503 total reads

 170,503 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top