Maging pag-asa at aktibong boses ng simbahan at lipunan, hamon sa mga kabataan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 25,794 total reads

Sa pagdiriwang ng Diocesan Youth Day 2025 at pagsasara ng Jubilee Year of Hope for the Youth, hinimok ng Diocese of Novaliches Commission on Youth (COY) ang libo-libong kabataan na manatiling matatag sa pag-asa at maging aktibong tinig sa Simbahan at lipunan.

Binigyang-diin ni Fr. John Harvey Bagos, Priest Coordinator ng COY Novaliches, na ang pag-asa ay hindi lamang pakiramdam o ideya, kundi isang panawagan na kumilos, makisama sa paglalakbay ng kapwa, at tuparin ang misyon na iniatang ni Jesus.

Ayon sa pari, ang kabataan ay hindi simpleng tagapakinig lamang, kundi tinatawag upang maging tagapaghatid ng pag-asa sa mga pagkakataong may pangangailangan, pagkalito, at paghahanap ng direksyon.

“Sa mga kabataan na nakiisa at patuloy na nakikia-accompany sa kapwa-kabataan, nais kong patuloy kayong anyayahan. Huwag tayong bibitaw kay Jesus. Siya lang ang ating tinig na pakinggan,” pahayag ni Fr. Bagos mula sa panayam ng Radyo Veritas.

Dagdag pa ni Fr. Bagos, ang kabataan ay kailangang manatiling nakatuon sa tinig ni Jesus sa halip na malito sa iba’t ibang ingay mula sa mundo—lalo na sa panahong puno ng maling impormasyon, kaguluhan, at magkakasalungat na opinyon.

Aniya, ang pag-asa ay nagiging totoo lamang kapag ito’y ibinabahagi at isinasabuhay sa pakikipaglakbay sa kapwa.

“Marami tayong pwedeng mapakinggan, pero pakinggan lang natin ang tinig ni Jesus. Siya ang nagdadala ng tunay na pag-asang kailanman hindi tatahimik sa mga suliranin ng buhay,” ayon kay Fr. Bagos.

Samantala. iginiit naman ni Eunesi Marie Bacud, Youth Coordinator ng COY Nova, na ang pag-asa ay may kaakibat na pananagutan at hindi dapat manatili sa salita lamang.

Ayon kay Bacud, bagamat maraming personal at panlipunang hamon ang kinakaharap ng kabataan ngayon, mahalagang maunawaan na bawat isa ay may tinig at kakayahang maghatid ng liwanag sa mga kalagayang kanilang tinutugunan.

Aniya, ang pagdiriwang ng DYD 2025 at pagtatapos ng Hubileo ng Kabataan ay mahalagang pagkakataon upang himukin ang kabataan na maging mulat, mapanuri, at may pananagutan sa kanilang papel sa Simbahan at lipunan.

“Tayo ‘yung ngayon at ang future ng ating bayan, ng simbahan, dapat tayo may pakialam. ‘Yun ‘yung gusto nating sabihin—dapat accountable tayo, dapat aware tayo.”

Tema ng pagtitipon ng mga kabataan ng Diyosesis ng Novaliches ang “Tinig: Ang Tunay na Pag-asa ay Hindi Tahimik,” na naglalayong pag-alabin ang pananampalataya, pagkakaisa, at malasakit ng mga kabataan sa lipunan.

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 21,406 total reads

 21,406 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 42,342 total reads

 42,342 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 81,870 total reads

 81,870 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 115,998 total reads

 115,998 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 172,403 total reads

 172,403 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 178,724 total reads

 178,724 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top