Arsobispo ng Davao, hinimok ang mananampalataya na suportahan ang Red Wednesday campaign

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 23,331 total reads

Hinimok ni Davao Archbishop Romulo Valles ang mga mananampalataya na aktibong suportahan ang Red Wednesday Campaign ng Aid to the Church in Need (ACN) Philippines, isang taunang pagkilos na naglalayong itampok ang kalagayan ng mga Kristiyanong inuusig sa iba’t ibang bansa.

Ayon sa arsobispo, ang pagdiriwang ay mahalagang pagkakataon upang ipadama ang pagkakaisa ng simbahan sa mga kapatid na dumaranas ng pagdurusa dahil sa kanilang pananampalataya.

“Together, let us support the persecuted Christians all over the world through our prayers and actions. Let us show our solidarity with Christians and other faith minorities who are persecuted because of their love for God,” ani Archbishop Valles.

Itinakda ng ACN Philippines ang Red Wednesday ngayong Nobyembre 26 sa temang “Living Hope Amidst Suffering.” Tampok dito ang iba’t ibang gawaing pastoral at panawagan para sa mas matatag na suporta sa mga Kristiyano at iba pang grupong panrelihiyon na humaharap sa karahasan at diskriminasyon.

Inatasan din ng arsobispo ang mga kura paroko na magsagawa ng special collection sa araw na ito para suportahan ang mga programa ng ACN na nakatuon sa mga Kristiyanong biktima ng pag-uusig.

Kasabay nito, hinikayat ni Archbishop Valles ang mga parokya, paaralan, at institusyon sa arkidiyosesis na magpailaw at magdekorasyon nang kulay pula, habang inaanyayahan ang publiko na magsuot din ng pula bilang tanda ng pakikiisa.

“The faithful are encouraged to wear red on that day as remembrance for the blood Christ shed on the Cross… and for the blood of our persecuted brethren,” dagdag ni Archbishop Valles.

Nagsimula ang Red Wednesday Campaign sa United Kingdom noong 2015 bilang global advocacy upang bigyang-pansin ang pag-uusig, karahasan, at diskriminasyon na dinaranas ng mga Kristiyano at iba pang religious minorities.

Lumahok ang Pilipinas noong 2017, at noong 2020 ay pormal itong pinagtibay ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines bilang taunang gawaing idinaraos tuwing Miyerkules matapos ang Kapistahan ng Kristong Hari.

Ngayong taon, isasagawa rin ng ACN Philippines ang pangunahing pagdiriwang sa Archdiocese of San Fernando, Pampanga, kung saan pangungunahan ni Archbishop Florentino Lavarias ang banal na Misa sa San Fernando Cathedral.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 63,311 total reads

 63,311 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 111,986 total reads

 111,986 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 159,859 total reads

 159,859 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 263,804 total reads

 263,804 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 346,855 total reads

 346,855 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top