Archdiocesan Shrine of Santo Nino de Tondo, itinalagang Minor Basilica ni Pope Leo XIV

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 23,969 total views

Inaprubahan na ni Pope Leo XIV ang kahilingan ng Archdiocesan Shrine of Santo Niño sa Tondo, Manila na maitaas ito bilang isang minor basilica.

Kinumpirma ng dambana na inilabas ng Vatican ang decree noong November 9, 2025, kasabay ng Kapistahan ng Dedication of the Lateran Basilica sa Roma.

Sa pag-aproba ng Vatican, ang Sto. Niño de Tondo ang magiging ikaanim na minor basilica sa Archdiocese of Manila, kasunod ng maringal na deklarasyon ng Basilica Minore de Nuestra Señora del Pilar o Sta. Cruz Church noong November 21.

Isa sa pinakamatandang parokya sa Maynila, ang Sto. Niño de Tondo ay itinatag ng mga misyonerong Agustino noong 1572. Dito rin dinala ang isang mahalagang imahen ng Santo Niño na naging sentro ng debosyon ng mga mananampalataya at patuloy na pinagbubuklod ang komunidad sa paglipas ng mga siglo.

Sa panahon ng mga Espanyol, nagsilbi ang simbahan bilang mahalagang pook ng pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa Tondo at mga karatig-barangay.

Bagama’t ilang ulit napinsala dahil sa mga digmaan, sunog, at lindol, nananatiling matatag ang debosyon ng mga taga-Tondo. Ang kasalukuyang istruktura, na itinayo noong 1734, ay patuloy na pinangangalagaan bilang makasaysayan at espiritwal na pamana.

Dahil sa malawak at masiglang debosyon, idineklara ito bilang Archdiocesan Shrine, isang pagkilalang nagtatampok sa natatangi nitong papel sa pananampalatayang Katoliko sa lungsod.

Sa Archdiocese of Manila, ilan pang minor basilica ang Manila Cathedral, Minor Basilica of the Black Nazarene (Quiapo Church), San Sebastian Church, at ang Minor Basilica and National Shrine of San Lorenzo Ruiz (Binondo Church).

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi lang ‘for the content’

 7,671 total views

 7,671 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 181,605 total views

 181,605 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 159,238 total views

 159,238 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Trabaho lang, walang personalan

 223,131 total views

 223,131 total views Mga Kapanalig, naging mainit kamakailan ang mga eksena sa Senado matapos ang tensyon sa pagitan nina Senador Robin Padilla at Senador Francis “Kiko“

Read More »

Serbisyo para kanino?

 242,368 total views

 242,368 total views Mga Kapanalig, si Senador Alan Peter Cayetano na ngayon ang bagong Senate President, kapalit ni Senador Vicente “Tito” Sotto III.  Marami sa mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top