Pagiging GMO free, panawagan ng Negros Bishops

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 36,920 total reads

Nanawagan ang mga obispo ng Negros Occidental na panatilihin ang 18-taong pagbabawal sa genetically modified organisms (GMOs) sa lalawigan upang mapangalagaan ang kalusugan, kalikasan, at kabuhayan ng mga magsasaka.

Sa pastoral statement na inilabas kasabay ng pagdiriwang ng Kapistahan ng Kristong Hari, hiniling nina Bacolod Bishop Patricio Buzon; Kabankalan Bishop Louie Galbines; at San Carlos Bishop Gerardo Alminaza sa pamahalaang panlalawigan na ipagpatuloy ang Provincial Ordinance No. 7 (2007), ang batas na nagpapanatili sa Negros bilang GMO-free.

Ayon sa mga obispo, mahalaga ang pagpapanatili sa GMO-free status upang mapangalagaan ang organic farming, biodiversity, at kalusugan ng mga Negrense.

“It is an ethical achievement, a landmark act of ecological justice, and a testimony to the wisdom of our people. To weaken or repeal it would not only be imprudent. It would be irresponsible, unjust, and dangerous,” pahayag ng Negros Occidental Bishops.

Tinukoy ng mga obispo ang mga pag-aaral na nag-uugnay sa GMO agriculture sa soil degradation, genetic contamination ng lokal na pananim, at mga posibleng panganib sa kalusugan.

Binigyang-diin ng mga pastol na ang pagpapatuloy ng pagbabawal sa GMOs ay nakaugnay sa layunin ng lalawigan na panatilihin ang titulong organic agriculture capital of the Philippines, lalo na ngayong ginaganap sa Negros Occidental ang Terra Madre Asia & Pacific 2025, isang pagtitipon tampok ang ecological food systems at farmer-led sustainability.

“To abandon this identity now–especially while hosting Terra Madre–is an embarrassment before the world and a betrayal of our people,” ayon sa mga obispo.

Hinikayat ng mga pastol ang lokal na pamahalaan, mga magsasaka, kabataan, at mga mananampalataya na pangalagaan ang organikong pamana ng Negros at patuloy na suportahan ang mga polisiya para sa ligtas at napapanatiling agrikultura.

Dagdag pa ng mga obispo na ang pagpapanatili ng GMO-free status ay proteksyon hindi lamang sa agrikultura, kundi pati sa kalusugan, karapatan sa pagkain, at kinabukasan ng mga susunod na henerasyon.

“As your pastors, we would be remiss in our responsibility if we fail to warn you. Its amendment or repeal is a serious violation of the right of the people to health, and a healthy environment… It is not only a policy issue. It is a moral issue. A life issue. A justice issue. A faith issue,” ayon sa Negros Occidental Bishops.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 46,087 total reads

 46,087 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 80,762 total reads

 80,762 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 109,481 total reads

 109,481 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 145,963 total reads

 145,963 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 161,341 total reads

 161,341 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 84,992 total reads

 84,992 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top