Diocese of Malaybalay, pangungunahan ang lokal na bersyon ng One Trillion Peso march

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 41,530 total reads

Inihayag ng Diyosesis ng Malaybalay ang aktibong pagtugon sa panawagan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) at ng Church Leaders Council for National Transformation (CLCNT) na makibahagi sa nationwide Trillion Peso March laban sa talamak na katiwalian sa bansa.

Ipinahayag ni Malaybalay Bishop Noel Pedregosa ang pakikilahok ng diyosesis sa Prayer Protest Rally sa darating na Nobyembre 30, 2025 sa pamamagitan ng lokal na pagsasagawa ng prayer rally sa San Isidro Cathedral at magpapatuloy sa Plaza Rizal sa syudad ng Malaybalay.

Inanyayahan rin ni Bishop Pedregosa ang lahat ng mga pari, layko, consecrated persons, at iba’t ibang religious organizations sa diyosesis upang sama-samang manindigan para sa katarungan, integridad, at pananagutan sa pamahalaan.

“In response to the call of the Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) to collaborate with the Church Leaders Council for National Transformation (CLCNT), I am inviting you to attend the Prayer Protest Rally on November 30, 2025, THE TRILLION PESO MARCH. This will start at the San Isidro Cathedral and continue at Plaza Rizal in the City of Malaybalay.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Pedregosa.

Paliwanag ng Obispo, bahagi ng tungkulin ng bawat Kristiyano ang pagsusulong ng tunay na demokrasya kung saan dapat ay mayroong papanagutan ang mga tiwaling opisyal ng pamahalaan na umaangkin sa kaban ng bayan.

“In the spirit of true Democracy and in the light of our Christian faith, let us express our humble appeal to the authorities in power to impose proper punishment on all corrupters to bring justice to the trillions of money they have stolen from. in the body.” Dagdag pa ni Bishop Pedregosa.

Inatasan din ni Bishop Pedregosa ang bawat parokya at religious organization na magpadala ng 5 hanggang 10 delegado habang hinihikayat din ang paglalagay ng mga flaglets sa mga tahanan at establisyemento.

Giit ng Obispo, ang laban kontra katiwalian ay hindi lamang panawagan sa pamahalaan, kundi paanyaya rin sa bawat mananampalataya upang patuloy magkaisa sa paninindigan sa pagsusulong ng kabutihan at paghilom ng lipunan.

“Ultimately, this movement may also inspire us to examine ourselves in order to experience personal transformation. We cannot be credible to call for accountability and transparency to the corrupt if we ourselves do not try to do what we say.” Paalala ni Bishop Pedregosa.

Ayon sa mga nangangasiwa ng gawain, magsisimula ang Prayer Protest Rally ng Diyosesis ng Malaybalay sa San Isidro Cathedral sa ganap na 11:45 ng umaga sa pamamagitan ng pagdiriwang ng Banal na Misa na pamumunuan ni Msgr. Cirilo “Loloy” Sajelan.

Susundan naman ito ng kilos-panalangin patungong Plaza Rizal sa Malaybalay City, kung saan isasagawa ang dalawang-oras na programang naglalayong gisingin ang bayan upang maging mapanuri, makilahok sa demokratikong proseso, at ipanindigan ang katotohanan sa harap ng lumalalang katiwalian.

Hinihikayat naman ang lahat ng mga dadalo na magsuot ng puti bilang simbolo ng kapayapaan at integridad; magdala ng streamers na nakasulat sa puting tela o biodegradable materials sa halip na mga tarpaulin; at maghanda ng payong o sombrero bilang pananggalang sa init o ulan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 50,464 total reads

 50,464 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 136,964 total reads

 136,964 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 180,001 total reads

 180,001 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 229,760 total reads

 229,760 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 388,666 total reads

 388,666 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top