Ibalik ang kultura ng pagmamalasakit sa kapwa, panawagan ng kura-paroko ng Quiapo church

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 30,364 total reads

Nanawagan si Fr. Ramon Jade Licuanan, rektor at kura paroko ng Minor Basilica and National Shrine of Jesus Nazareno, na ibalik ng mga Pilipino ang “tunay na malasakit” sa kapwa na isang katangiang unti-unting nawawala sa lipunan.

Ito ang sentro ng mensahe ng pari sa kauna-unahang National Balangay Conference na ginanap sa Cuneta Astrodome noong November 26.

“Kung may malasakit tayo, hayaang makita ng lahat ang Poong Jesus Nazareno, lalo na ang mga mahihina,” ani Fr. Licuanan, sabay paalala sa mga kasapi ng balangay na tulungan ang isa’t isa sa pag-aalalay sa mga debotong dadalo sa Traslacion.

Binanggit ng pari na ang “tunay na deboto” ay hindi humaharang sa imahe ng Nazareno, kundi nangunguna sa pagpapakilala sa Kanya.

Dismayado rin ang pari sa kawalan ng malasakit sa iba’t ibang aspeto ng lipunan, lalo na sa katiwalian.

“Kapag may malasakit tayo sa ating kababayan, hindi tayo kukuha ng kaban ng bayan para sa sariling kapakanan,” giit ng pari.

Hinimok ni Fr. Licuanan ang mga Pilipinong pinanghihinaan ng loob na tumingin sa imahe ng Jesus Nazareno, na nagpapakita ng pagbangon sa gitna ng hirap at pasanin.

Binigyang diin niyang sa anumang pagsubok, hindi dapat kumapit ang tao sa kasamaan.

“Huwag nating ipagpalit ang kaluluwa natin… sa samantalang kaginhawahan o kasamaan,” saad ni Fr. Licuanan.

Hinamon din ng pari ang mga deboto na magbuklod sa paglilingkod sa Jesus Nazareno at tingnan ang Mahal na Birheng Maria bilang huwaran ng pagiging disipulo at pagkakaisa.

Tinatayang 4,000 deboto mula sa iba’t ibang balangay sa buong bansa ang dumalo sa pagtitipon, kasama sina Pasay City Mayor Imelda Calixto-Rubiano at Rep. Antonino Calixto.

Nagbahagi rin ng kanilang karanasan ng debosyon sina newscaster Jiggy Manicad at Feast International Builder Roberto Cabrillas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 57,099 total reads

 57,099 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 106,266 total reads

 106,266 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 154,138 total reads

 154,138 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 258,085 total reads

 258,085 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 341,313 total reads

 341,313 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top