Epsicopal motto na “synodus”, isasabuhay ng bagong Obispo ng Boac

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 40,659 total reads

Humiling ng panalangin si Bishop Edwin Panergo upang matugunan ang hamon ng kanyang bagong misyon bilang pastol ng Diocese of Boac.

Batid ng obispo ang taglay niyang kahinaan, subalit nananalig ito na sasamahan ng Diyos sa pagtupad ng tungkulin.

“Mga kapatid, ipanalangin ninyo ako sapagkat ako ay mahina… I know that I am weak. But I know that God is with me,” mensahe ni Bishop Panergo sa kanyang ordinasyon sa St. Ferdinand Cathedral sa Lucena.

Ipinangako ni Bishop Panergo na isasabuhay ang kanyang episcopal motto na Synodus, at hinikayat ang mananampalataya, lalo na ang mga Marinduqueño, na magbuklod bilang simbahang naglalakbay tungo kay Kristo.

“Sama-sama tayo, ngunit hindi lang barkadahan, kundi patungo kay Kristo,” aniya. “Synodality is not synodality kung yung leader lang ang magsasakripisyo; synodality ay synodality kung tayo ang sama-samang magsasakripisyo.”

Binigyang-diin ni Bishop Panergo na ang pagiging sinodal na simbahan ay hindi lamang tungkulin ng obispo at kaparian, kundi ng buong sambayanan.

“Synodality requires discernment, maka-Diyos, maka-tao, maka-kalikasan, at makasimbahan,” dagdag pa ng obispo.

Sa kanyang homiliya, pinaalalahanan naman ni San Pablo Bishop Marcelino Antonio Maralit Jr., dating obispo ng Boac, na ang tunay na lakas ng isang pastol ay nagmumula sa grasya ng Diyos at sa pagiging totoo bilang tao.

“The Church does not need perfect bishops… Our vulnerability is not an obstacle to ministry; it is our best starting point,” ani Bishop Maralit.

Hinikayat din niya si Bishop Panergo na manatiling kasama ng kanyang kawan sa paglalakbay.

“If you remember you are sheep, you will be saved from the temptations of titles and entitlements.”

Pinangunahan ni Lipa Archbishop Gilbert Garcera, pangulo ng CBCP, ang ordinasyon, kasama sina Lucena Bishop Mel Rey Uy at Bishop Emeritus Emilio Marquez.

Dumalo ang mga pari, relihiyoso, at mananampalataya mula sa Lucena, Boac, at iba’t ibang diyosesis.

Pormal na iluluklok si Bishop Panergo bilang ikalimang obispo ng Boac sa December 2.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 143,577 total reads

 143,577 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 216,943 total reads

 216,943 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 250,391 total reads

 250,391 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 285,689 total reads

 285,689 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 506,645 total reads

 506,645 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top