Kauna-unahang ‘diocesan synod’, isasagawa ng Diocese of Cubao

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 73,376 total reads

Pinasalamatan ni Cubao Bishop Elias Ayuban Jr. ang Panginoon sa patuloy na paggabay sa kanyang misyon bilang pastol ng diyosesis, kasabay ng pagdiriwang ng kanyang unang anibersaryo bilang obispo.

Inanunsyo ng obispo na magkakaroon ng kauna-unahang diocesan synod ang Diocese of Cubao sa susunod na taon upang sama-samang suriin ang naging paglalakbay ng lokal na simbahan mahigit dalawang dekada matapos itong maitatag.

“We look forward to the convocation of our first diocesan synod next year,” ani Bishop Ayuban, na iginiit ang pangangailangang pag-ibayuhin ang espiritwal na pag-uusap at pagtutuwang sa misyon ng diyosesis.

Kinilala rin ng obispo ang mga pari, relihiyoso at laykong katuwang niya sa paglilingkod, lalo na sa mga gawaing nagtataguyod ng moralidad at espiritwalidad ng pamayanan.

“With God’s grace and with you walking with me, every step of this journey is worth taking. I know that God still has a lot in store for us in the coming year and beyond,” aniya.

Sa misa, pinarangalan niya ang kanyang ina na si Genara Ayuban, na kamakailan lamang ay pumanaw.

Inihayag ng obispo na ang pagmamahal at pag-aaruga ng kaniyang ina ang humubog sa kanyang bokasyon.

“Every vocation, although it originates in the heart of God, passes through the heart of a mother,” dagdag ni Bishop Ayuban.

Bilang bahagi ng pagdiriwang, nagsagawa ang diyosesis ng gift giving at pagpapakain sa mahigit 200 street dwellers, katuwang ang pribadong sektor sa pamamagitan ng Urban Poor Ministry.

Hiniling ng obispo ang patuloy na panalangin para sa katatagan at biyayang kailangan upang maipagpatuloy ang paglilingkod at maihatid ang diwa ng habag, pag-ibig, at pag-asa sa nasasakupan ng diyosesis.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 143,561 total reads

 143,561 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 216,928 total reads

 216,928 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 250,376 total reads

 250,376 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 285,674 total reads

 285,674 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 506,630 total reads

 506,630 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top