Archbishop Uy; Pananampalatayang nakaugat kay Hesus, panawagan sa Kristiyano

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 74,758 total reads

Pinaalalahanan ni Cebu Archbishop Alberto Uy ang mga mananampalataya na kinakailangang nakaugat kay Hesukristo ang buhay ng bawat isa upang manatiling matatag ang pundasyon ng pagkatao.

Sa kanyang pagninilay nitong Huwebes, sa unang linggo ng Adbiyento, binigyang-diin ng arsobispo na maging ang mga tao o bansang itinuturing ang sarili bilang Kristiyano ay maaaring humina at tuluyang bumagsak kung hindi nakasentro kay Kristo ang kanilang buhay.

Hinikayat ni Archbishop Uy ang mga Pilipino na suriin ang kanilang ugnayan sa Panginoon at tanungin kung ang kanilang pananampalataya ay talagang nakaugat kay Hesus.

“We call ourselves the biggest Catholic nation in Asia, but what is happening to our foundations?… Even a country that calls itself Christian can collapse if its foundation is not Christ,” ani Archbishop Uy.

Ayon kay Archbishop Uy, nakalulungkot na bagama’t masigasig ang mga Pilipino sa pagdarasal ng rosaryo, pagdedebosyon, at pagnonobena, hindi ito laging nasasalamin sa kanilang mga desisyon lalo na tuwing halalan.

“We pray the rosary, but during elections, we choose candidates for money, favors, or fear. We love God emotionally, but we do not follow Him in our decisions,” giit ng arsobispo.

Ipinaliwanag ng arsobispo na ang tunay na pananampalataya ay hindi nasusukat sa dami o lakas ng panalangin, kundi sa tapat na pagsunod sa kalooban ng Diyos. Nagbabala rin ang arsobispo na nananatiling sentimental at hindi moral ang pananampalataya ng marami, at binigyang-diin na ang edukasyon na hindi nagbubunga ng pagbabago sa buhay ay pawang impormasyon lamang.

Sa huli, iginiit ni Archbishop Uy na ang isang lipunang nakaugat sa katotohanan at katarungan ay magiging matatag at maunlad.

Kasabay nito, ipinagdasal ng arsobispo tuluyang mawala ang katiwalian sa bansa.

“A nation built on truth will stand; a government built on justice will stand; a Filipino built on God’s word will stand. Lord, make us wise builders… give us courage to reject the sands of corruption, greed, and compromise,” giit ni Archbishop Uy.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 143,566 total reads

 143,566 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 216,933 total reads

 216,933 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 250,381 total reads

 250,381 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 285,679 total reads

 285,679 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 506,635 total reads

 506,635 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top