Mananampalataya, hinimok ng Obispo na ipamalas ang pag-ibig ng Diyos sa kapwa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 85,642 total views

Hinimok ni Catarman Bishop Nolly Buco ang mga mananampalataya na pag-ibayuhin ang pag-asa at ipamalas ang pag-ibig ng Diyos sa kapwa habang naghahanda ang Simbahan para sa pagdiriwang ng Pasko ng Pagsilang.

Aniya, higit na mahalaga ang mensahe ng Adbiyento sa gitna ng mga hamon na kinakaharap ng mundo ngayon.

“In this Advent Season, we are reminded of the hope and joy that come with the anticipation of the Nativity of our Saviour, Jesus Christ. May our hearts be filled with hope and our spirits renewed as we strive to be beacons of light in a world that needs God’s love and tenderness,” ayon kay Bishop Buco.

Ipinaliwanag ng obispo na ang Adbiyento ay paanyaya sa bawat mananampalataya na palalimin ang pagtitiwala sa kaligtasang hatid ni Kristo at patatagin ang pananampalataya.
Ang pagpapadama ng pag-ibig sa kapwa ay isang malinaw na pagpapakita ng pag-asa.

Binigyang diin din ng obispo ang synodality na isinusulong ng Simbahan ay isang sama-samang paglalakbay ng pananampalataya na nakaugat sa pag-ibig at pagkakaisa.

Ang pagpapalakas ng ugnayan at partisipasyon sa pamayanang Kristiyano, aniya, ay nangangailangan ng pagiging bukas sa Espiritu Santo at sa “signs of the times.”

“As we prepare for the celebration of Jesus’ birth, let us reflect on the manger values of love, compassion, and mercy that He embodied… May the celebration of Christmas be a time of grace, peace, and joy for all our families,” dagdag ng obispo.

Hinikayat rin niya ang mananampalataya na hayaang maging daan ang diwa ng Pasko upang mas mapalalim ang malasakit at paglilingkod sa mga nangangailangan, sapagkat dito tunay na nahahayag ang kahulugan ng pagsilang ni Kristo.

“May we emerge from these holy seasons with a deeper commitment to our faith and to serving others,” ani Bishop Buco.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 2,565 total views

 2,565 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 29,021 total views

 29,021 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 79,705 total views

 79,705 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 85,724 total views

 85,724 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 114,779 total views

 114,779 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top