Evangelization, paiigtingin ng Radio Veritas ngayong kapaskuhan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 77,674 total reads

Tiniyak ng Radyo Veritas ang mas pinaigting na pagpapalaganap ng misyon ng ebanghelisasyon sa pamamagitan ng iba’t ibang media platforms, lalo na ngayong pagdiriwang ng Pasko ng Pagsilang.

Ayon kay Fr. Roy Bellen, pangulo ng himpilan, bahagi ng layunin ng Radyo Veritas, bukod sa paghahatid ng makatotohanang balita at impormasyon ay ang pagpapalaganap ng pag-ibig ng Diyos sa pamamagitan ng Banal na Eukaristiya.

“Tayong mga Pilipino ay kilala sa mahabang paghahanda para sa Pasko, kabilang dito ang Simbang Gabi at Misa de Gallo. Kaya ihahatid ng Radyo Veritas ang on-air at online masses para sa mga hindi makadalo nang personal sa parokya dahil sa iba’t ibang kadahilanan,” pahayag ni Fr. Bellen sa Radyo Veritas.

Dagdag pa ng pari, sa kabila ng abala sa trabaho at pang-araw-araw na buhay, mahalagang pag-ukulan ng panahon ang Banal na Misa kung saan nakakasalamuha si Hesus.

Maglalaan ang himpilan ng tatlong misa para sa Simbang Gabi, Misa de Gallo, at novena masses upang mabigyan ang mas maraming mananampalataya ng pagkakataong makibahagi sa paghahanda sa Pasko ng Pagsilang.

Magsisimula ang Simbang Gabi sa December 15, alas-6 ng gabi, susundan ng Misa de Gallo tuwing alas-12 ng hatinggabi mula December 16, at ng novena masses tuwing alas-6 ng umaga.Mga Tagapagdiwang (Simbang Gabi – 6:00 PM, Dec. 15–23):
Fr. Raymond Tapia, CHS; Fr. Cris Pine, OFM; Fr. Miguel Ramirez; Novaliches Bishop Roberto Gaa; Military Bishop Oscar Jaime Florencio; Fr. Felmar Fiel; Cubao Bishop Elias Ayuban Jr., CMF; at Fr. Glen Mar Gamboa, OP.

Mga Tagapagdiwang (Misa de Gallo – 12:00 MN, mula Dec. 16):
Fr. Arnold Layoc; Fr. William Garcia; Fr. John Harvey Bagos; Fr. Robert Leus, CJM; Fr. Edward Dantis, SSP; Fr. Dominic John Cagang, MJ; Fr. Alejandro Alia, FSA; Fr. Joel Saballa; at Fr. Vhong Turingan.

Mga Tagapagdiwang (Novena Masses – 6:00 AM, mula Dec. 16):
Fr. Dan Cancino, MI; Fr. Dexter Austria, OP; Fr. Roy Bellen; Fr. Jeff Agustin, OFM Cap.; Fr. Miguel Condes, O.Carm; Bishop Antonio Tobias; Fr. Franz Dizon; Fr. Jade Licuanan; at Fr. Robin Ross Plata, OAR.

Mapakikinggan ang mga misa sa 846 AM, Cignal Channel 313, at mapapanood sa DZRV 846 Facebook page, Veritas PH YouTube channel, Veritas TV Sky Cable Channel 211, at Veritas TV Cebu Channel 47.

Para sa nais maging bahagi ng Eucharistic Advocates ng himpilan, maaaring makipag-ugnayan sa Religious Department sa (02) 8925-7931 hanggang 39, locals 129, 131, at 137, o sa 0917-631-4589.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 84,074 total reads

 84,074 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 178,249 total reads

 178,249 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 222,517 total reads

 222,517 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 245,626 total reads

 245,626 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 316,968 total reads

 316,968 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top