Buong-pusong tanggapin si Hesus at isabuhay ang Kanyang halimbawa-Bishop Pabillo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 29,733 total reads

Hinimok ng opisyal ng CatholiC Bishops’ Conference of the Philippines (CBP), ang mga mananampalataya na buong pusong tanggapin si Hesus sa Pasko at hayaang manahan Siya sa kanilang mga puso at buhay.

Ito ang binigyang-diin ni Taytay, Palawan Bishop Broderick Pabillo, Chairperson ng CBCP Office on Stewardship, sa kanyang mensahe sa Kapistahan ng Pagsilang ng Panginoon, kung saan ipinaalala niya ang dakilang biyaya ng Diyos sa sangkatauhan sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao ni Hesukristo.

Ayon kay Bishop Pabillo, higit na mas marami ang tinanggap ng tao mula sa Diyos kaysa sa naibabalik nito.

“Sobra ang ating natanggap sa Diyos kaysa ating ibinigay sa Kanya. Pahalagahan naman natin ang regalo na natanggap natin,” ani ng obispo.

Ginamit niya ang karaniwang kaugalian ng exchange gift tuwing Pasko upang ipaliwanag ang mas malalim na kahulugan ng pagdiriwang. Bagama’t may mga nadidismaya sa regalong natatanggap, iginiit ng obispo na ang tunay na “palitan ng regalo” ay naganap sa unang Pasko—ang pagkakaloob ng Diyos ng Kanyang Anak para sa kaligtasan ng sangkatauhan.

“Nag-exchange gift ang Diyos at ang tao; binigay natin ang ating pagkatao, at binigay ng Diyos ang Kanyang pagka-Diyos,” giit ni Bishop Pabillo.

Dagdag pa niya, sa kabila ng sukdulang awa at habag ng Diyos, patuloy pa ring nagkakasala ang tao. Kaya naman mahalaga umanong manaig hindi lamang tuwing Pasko kundi sa pang-araw-araw na buhay ang diwa ng pasasalamat sa lahat ng biyayang tinatanggap mula sa Diyos.

Pinuna rin ng obispo ang labis na pagkabaling ng pansin ng marami sa materyal at komersyal na aspeto ng Pasko—tulad ng mamahaling regalo at marangyang dekorasyon—sa halip na ituon ang pagdiriwang kay Hesus na siyang tunay na sentro ng Kapaskuhan.

“Marami pang iba ang pinagkakaabalahan natin sa Pasko, maliban si Jesus, ang Anak ng Diyos na naging tao,” ayon sa obispo.

Binigyang-diin din ni Bishop Pabillo na hindi sapat ang pagiging makatao lamang; higit na mahalagang isabuhay ang pagiging maka-Diyos upang maiwasan ang mga gawaing hindi karapat-dapat sa tao, gaya ng pagsasamantala, pagkainggit, at labis na pagmamahal sa pera.

Nagpaalala rin siya laban sa panganib ng espirituwal na pagkabulag, na ayon sa banal na kasulatan ay naparito ang Panginoon sa Kanyang bayan ngunit hindi Siya tinanggap.

Sa pagtatapos ng kanyang mensahe, hinamon ni Bishop Pabillo ang bawat isa na ihanda ang malinis at bukas na puso sa pagtanggap kay Hesus—hindi lamang sa salita kundi sa gawa.

“Hindi lang natin tanggapin si Jesus. Gayahin natin Siya,” hamon ng obispo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 35,141 total reads

 35,141 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 85,702 total reads

 85,702 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 133,573 total reads

 133,573 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 237,521 total reads

 237,521 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 321,833 total reads

 321,833 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top