Cardinal Advincula: Ang Pasko ay paanyaya sa pagtitiwala at pag-asa kay Hesus

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 86,045 total reads

Hinimok ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mamamayan na buong pusong magtiwala kay Hesus na isinilang, sapagkat Siya ang sandigan at pag-asa ng bawat isa sa gitna ng mga hamon at kawalang-katiyakan ng kasalukuyang panahon.

Ito ang binigyang-diin ng arsobispo sa kanyang homiliya sa Missionaries of Charity sa Tondo, Maynila, kasabay ng taunang gift giving na dinaluhan ng mahigit 200 street dwellers bilang bahagi ng pagdiriwang ng Kapaskuhan.

Hinamon ni Cardinal Advincula ang lahat na tularan ang mga anghel sa unang Pasko na buong tapang at galak na ipinahayag sa mundo ang pagsilang ng Bugtong na Anak ng Diyos, sa kabila ng takot at kaguluhan ng panahong iyon.

Kinilala rin ng cardinal ang mga hirap, takot, at kawalang-katiyakang kinakaharap ng marami dahil sa iba’t ibang suliraning panlipunan. Ayon sa kanya, mahalagang matutong makinig sa tinig ng Diyos na patuloy na gumagabay sa sangkatauhan patungo kay Hesus, lalo na sa mga panahong mabigat at tila magulo ang mundo.

“Batid ng Diyos na ang mundong sinilangan ng Kanyang Anak ay balisa, nabibigatan, at pagod. Tunay nga, ang Pasko ay nagsisimula sa pagpapatibay ng loob. At ngayon, sinasabi Niya sa atin: ‘Huwag kayong matakot,’” pahayag ni Cardinal Advincula.

Dagdag pa ng arsobispo, ang kasalukuyang panahon ay punô ng panganib at pangamba, habang ang kinabukasan ay nananatiling hindi tiyak dahil sa mga krisis na direktang nakaaapekto sa buhay ng tao. Gayunman, iginiit niyang hindi dapat manaig ang takot, sapagkat ang diwa ng Pasko ay si Emmanuel—ang Diyos na patuloy na kasama ng tao sa bawat yugto ng paglalakbay sa buhay.

“Sa Pasko, pinili ng Diyos na makilala hindi sa kapangyarihan o karangyaan, kundi sa kababaan, karukhaan, at kahinaan ng isang sanggol. Pinapalakas tayo ng Pasko upang maging presensyang nagbibigay-lakas ng loob, pumapawi ng takot, at naghahatid ng kapanatagan sa gitna ng mga alalahanin,” ani ng cardinal.

Sa diwa ng Taon ng Hubileyo, patuloy na hinikayat ni Cardinal Advincula ang bawat isa na maging daluyan ng pag-asa sa kapwa, sapagkat may mga pagkakataong ang tao mismo ang nagiging kongkretong tanda ng presensya ng Diyos na nakikita at nararanasan ng iba.

Umaasa ang arsobispo na ang lahat ay maging tulad ng mga anghel ng Pasko—nagpapalakas ng loob kapag laganap ang takot, nagbibigay ng tanda kapag tila hindi nadarama ang presensya ng Panginoon, at patuloy na lumuluwalhati sa Diyos upang unti-unting manaig ang kapayapaan sa mga pamayanan.

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 19,435 total reads

 19,435 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 39,345 total reads

 39,345 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 78,990 total reads

 78,990 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 113,118 total reads

 113,118 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 169,523 total reads

 169,523 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top