Sa kabila ng krisis at katiwalian sa lipunan: “Ito rin ang panahon ng Pag-asa”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 29,982 total views

Iginiit ni Novaliches Bishop Roberto Gaa na ang kasalukuyang panahon ng kalituhan at panghihina ng mga institusyon ng pamahalaan ay hindi lamang panahon ng karimlan kundi higit na panahon ng pag-asa para sa sambayanan.

Sa kanyang homiliya sa closing mass ng Jubilee Year celebration ng diyosesis, binigyang-diin ng obispo na sa gitna ng mga isyung panlipunan, kawalan ng katiyakan sa mga imbestigasyon sa malawakang katiwalian sa bansa, at panghihinang nararamdaman sa ilang institusyon ng lipunan, mas lalong hinihikayat ang mamamayan na kumapit sa pag-asang nagmumula sa Diyos.

“Ito yung panahon ng karimlan. Pero ito rin, lalo’t higit, ang panahon ng pag-asa,” ayon kay Bishop Gaa.

Ayon sa obispo, hindi maituturing na tunay na pag-asa ang kasiyahang nakabatay lamang sa personal na tagumpay o sa pagtamo ng ninanais ng tao sapagkat ang ganitong uri ng pag-asa ay nagmumula sa gawa ng tao at hindi sa Diyos.

“Kung tayo ay masasaya dahil nakuha natin ang gusto natin, hindi yan ang pag-asa na nagmumula sa Diyos,” giit ng obispo.

Ipinaliwanag pa ni Bishop Gaa na ang pag-asa mula sa Diyos ay hindi laging malinaw kung paano mangyayari, subalit sa pamamagitan ng pananampalataya, lalo na sa mga panahong wala nang ibang maaasahan ay bukod tanging si Hesus na nagkatawang tao ang tunay na bukal ng pag-asa.

“Ito po yung panahon na wala na tayong pwedeng asahan, kundi ang Diyos,” dagdag pa ni Bishop Gaa.

Kaugnay nito, hinimok ng obispo ang mga mananampalataya na huwag mainip sa paghihintay, kundi gawin itong aktibo sa pamamagitan ng paghahanda ng kalooban sa patuloy na pakikipagtagpo sa Panginoon.

Tinuran ng obispo ang halimbawa ni Ana sa Ebanghelyo na matiyagang naghintay ngunit may malinaw na paghahanda sa kanyang pananampalataya.

Binigyang-diin din ni Bishop Gaa na ang pananampalataya ay bunga ng pagiging tunay na simbahan; isang pamayanang sama-samang naglalakbay at nakikiisa sa mga mahihirap, dukha, at higit na nababalisa sa lipunan.

“Hindi po tayo nag-iisa. Magkakasama po tayo. Pero higit diyan, kasama natin ang Diyos,” ayon pa kay Bishop Gaa.

Sa kabila ng pormal na pagtatapos ng Jubilee Year of Hope, iginiit ni Bishop Gaa na nagpapatuloy ang diwa ng pag-asa sa puso ng bawat mananampalataya, lalo na sa panahong higit na kailangan ang liwanag ng Diyos sa gitna ng dilim ng mga karanasang kinakaharap ng tao.

Apela ng obispo sa nasasakupan na ipagpatuloy ang diwa ng simbahang sinodal sa paglingap sa mga higit nangangailangan at maging instrumento ng pag-asa para sa kapwa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 47,835 total views

 47,835 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 43,704 total views

 43,704 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 79,906 total views

 79,906 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 88,603 total views

 88,603 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 113,868 total views

 113,868 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top