Caritas Philippines, nanawagan ng Katarungan at Kapayapaan sa Bagong Taon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 66,039 total reads

Nanawagan ang Caritas Philippines para sa isang makatarungan, mapagpalaya, at payapang kapayapaan nang walang paggamit ng armas, kasabay ng pagsalubong ng bansa sa bagong taon.

Binigyang-diin ni Caritas Philippines President at San Carlos Bishop Gerardo Alminaza na ang kapayapaang handog ng Panginoong Hesukristo ay hindi nagmumula sa takot, dahas, o puwersa ng armas, kundi sa kababaang-loob, pagtitiyaga, at sama-samang pagkilos—lalo na para sa mga maralita at nasa laylayan ng lipunan.

Ayon sa Obispo, hindi magiging matatag ang kapayapaan sa Pilipinas hangga’t ipinagkakait ang kabuhayan, nilalabag ang dangal ng tao, at patuloy na nararanasan ng mga mahihirap ang kawalan ng katarungang panlipunan.

Para sa maraming pamilyang Pilipino na dumaranas ng kahirapan, karahasan, paglikas sa kanilang tahanan, at kawalan ng katiyakan, ang kapayapaan ay hindi isang malayong pangarap kundi malinaw na pagkakaiba sa pagitan ng takot at pag-asa, at ng pagbubukod at pakikilahok sa komunidad.

“As we begin a new year, Caritas Philippines joins the Holy Father, Pope Leo XIV, in proclaiming the Easter greeting of the Risen Christ: ‘Peace be with you.’ This greeting is not a formality nor a distant hope. It is an invitation and a challenge—calling us to choose what kind of nation we will be in the year ahead,” ayon sa mensahe ni Bishop Alminaza.

Mariin ding kinondena ng Caritas Philippines ang paniniwalang ang seguridad ay nakukuha sa pamamagitan ng militarisasyon at dahas. Iginiit ng Obispo na ang tunay at pangmatagalang kapayapaan ay nagmumula sa katarungan, dayalogo, at pagpapanumbalik ng nasirang ugnayan, lalo na sa mga komunidad na matagal nang pinagkaitan ng boses at karapatan.

“We call for the protection of children, Indigenous peoples, farmers, fisherfolk, and urban poor communities whose lives are most vulnerable to the combined impacts of conflict, climate change, and unjust development,” bahagi pa ng mensahe ni Bishop Alminaza.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Fashion show sa baha

 9,704 total reads

 9,704 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 33,815 total reads

 33,815 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 70,316 total reads

 70,316 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 290,940 total reads

 290,940 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 325,043 total reads

 325,043 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top