Gawing waste free ang Nazareno 2026, panawagan ng ECOWASTE coalition

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 55,369 total reads

Muling nanawagan ang EcoWaste Coalition sa Simbahang Katolika at sa milyun-milyong deboto ng Nuestro Padre Jesus Nazareno na gawing malinis at basura-free ang Nazareno 2026 sa January 9.

Ayon kay Ochie Tolentino, Zero Waste Campaigner ng grupo, kaakibat ng taos-pusong debosyon sa Poong Jesus Nazareno ang pangangalaga sa kalikasan, bilang mga katiwala ng nilikha ng Diyos, kaya’t iginiit nito na dapat isabuhay ng mga deboto ang panawagang “kalakip ng debosyon ang malinis na Traslacion.”

“Let our people’s profound faith in Nuestro Padre Jesus Nazareno inspire us to be better stewards of our planet, preventing and reducing waste and not littering, a punishable environmental offense, at all times but most especially during the Traslacion, a faith-centered feast,” ayon kay Tolentino.

Batay sa tala ng Manila Department of Public Services (DPS), umabot sa 468 metriko toneladang basura ang nakolekta mula January 6 hanggang 10, 2024, habang 382 metric tons naman noong January 8 hanggang 10, 2025—patunay ng patuloy na suliranin sa basura tuwing Traslacion.

Sinabi ng EcoWaste na iniiwan ng anim na kilometrong traslacion mula Quirino Grandstand sa Luneta hanggang Minor Basilica and National Shrine of Jesus Nazareno o Quiapo Church ang bakas ng tone-toneladang basura, na lalong nagpapahirap sa mga kawani ng DPS, Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Department of Public Works and Highways (DPWH).

Sa obserbasyon naman ng Basura Patrollers ng grupo, kabilang sa madalas na nakakalat sa lansangan ang mga single-use plastic bottles, food containers, bamboo skewers o sticks, tira-tirang pagkain, upos ng sigarilyo, at mga disposable vape—na pawang banta sa kalusugan at kapaligiran.

“The unrestrained generation of garbage and its mixed disposal in landfills releases greenhouse gases, contributing to climate change that adversely impacts everyone, impoverished and marginalized communities,” saad ni Tolentino.

Hinimok din ng EcoWaste Coalition ang mga kinauukulan na magtalaga ng environmental police upang paalalahanan ang mga deboto sa wastong pagtatapon ng basura, alinsunod sa Republic Act 9003 o Ecological Solid Waste Management Act.

Pinaalalahanan naman ang mga deboto na sundin ang no littering, no smoking at no vaping policy sa Rizal Park, umiwas sa single-use plastic, iuwi ang sariling basura, at igalang ang mga pampublikong lugar sa pamamagitan ng wastong asal at kalinisan.

Nanawagan din ang EcoWaste Coalition sa mga namamahagi ng tubig at pagkain na iwasan ang paggamit ng plastik at styrofoam, at sa mga barangay sa paligid ng Quiapo Church na huwag gumamit ng “plastik labo” bilang banderitas.

“We thank and support the Quiapo Church, the Manila City Government, the Hijos del Nazareno, the Green Brigade and other agencies and groups for taking all the necessary steps to promote a meaningful, safe and litter-free observance of Traslacion 2026,” saad ng EcoWaste Coalition.

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 15,560 total reads

 15,560 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 33,015 total reads

 33,015 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 72,983 total reads

 72,983 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 107,110 total reads

 107,110 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 163,516 total reads

 163,516 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 178,510 total reads

 178,510 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top