LGU officials ng Nueva Vizcaya, binalaan ni Bishop Mangalinao

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 51,944 total views

Iginiit ni Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao sa mga opisyal ng lalawigan ng Nueva Vizcaya na hindi dapat madaliin ang pag-aalis ng barikada laban sa pagmimina sa Barangay Bitnong, Dupax del Norte.

Ayon kay Bishop Mangalinao, may mahahalagang usapin pa na kailangang malinaw na matukoy, lalo ang pagmamay-ari ng mga lupang maaapektuhan ng proyekto ng Woggle Mining Corporation.

Ang panawagan ng obispo ay kasabay ng kahilingan para sa agarang pagpapatupad ng cease and desist order laban sa nagpapatuloy na mining exploration activities sa lugar kasunod ng pagsisilbi ng korte noong January 13, 2026, ng resolusyon para sa Writ of Preliminary Injunction na nag-uutos sa pagtanggal ng mga barikada patungo sa exploration site.

“Humihingi kami ng cease and desist order para huwag nang ituloy ang pag-aalis sa barikada sapagkat may mga katanungan pa, ang isa ay sino ang magmamay-ari sa mga lupang binabantayan ng mga tao. Kasi kaya malakas ang kanilang loob na isara ang daan dahil sa kanila ang lupa, private property. Sana ma-establish muna kung sino ang may-ari ng private property na nais daanan ng kumpanya,” ayon kay Bishop Mangalinao.

Binigyang-diin din ni Bishop Mangalinao ang pangangailangang magsagawa muna ng land survey upang matukoy kung sino ang may lehitimong karapatan sa lupa, bilang bahagi ng patas at makatarungang proseso.

Kaugnay nito, hiniling din ng obispo ang mapagkalingang presensiya ng mga opisyal ng lalawigan at bayan, kabilang ang gobernador, bise gobernador, alkalde ng Dupax del Norte, at mga kasapi ng Sangguniang Panlalawigan at Sangguniang Bayan.

Umaasa si Bishop Mangalinao na magiging bukas ang mga namumuno sa lalawigan sa panawagan ng Simbahan at ng mga mamamayan para sa mapayapang resolusyon ng usapin.

Iginiit din ng obispo na ang pakikibaka ng mga residente ay hindi para sa pansariling kapakinabangan kundi para sa karapatan sa lupa at pangangalaga sa kalikasan.

“Maaring ang batas ay legal pero ito ay imoral, hindi tama, hindi maka-Diyos, hindi makabayan, dahil ang ipinagtatanggol ng tao ay ang kanilang karapatan at lupa, wala silang porsiyento, wala silang ipinagbibili, wala silang ganansiya. Kaya sino ang may ganansiya d’yan, sino ang nababayaran d’yan?,” giit ni Bishop Mangalinao.

Noong January 12, 2026, pinangunahan ni Bishop Mangalinao ang isang banal na misa, isang araw bago ipatupad ang Writ of Preliminary Injunction, bilang pagpapahayag ng pakikiisa sa mga apektado ng residente at panawagan sa mapayapa at makataong pamamaraan ng pakikipaglaban.

Batay sa 10-pahinang consolidated resolution ng Regional Trial Court Branch 30, iniutos ang agarang pagtanggal ng mga barikada sa Keon Barangay Road patungo sa exploration area.

Gayunman, nilinaw ng hukuman na hindi nito inaalis ang karapatan ng mga kinauukulang panig na ipaglaban ang kanilang karapatan at magsagawa ng nararapat na hakbang sa mga kaukulang ahensiya ng pamahalaan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Papalayô sa tunay na demokrasya

 16,125 total views

 16,125 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 66,139 total views

 66,139 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 62,008 total views

 62,008 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 98,101 total views

 98,101 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 106,012 total views

 106,012 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top