Dumaraming landfill sa bansa, tinawag ni Cardinal David na climate injustice

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 70,094 total reads

Binigyang-diin ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David, dating pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), na ang patuloy na pag-iral ng maruruming landfill sa bansa ay malinaw na anyo ng climate injustice at seryosong banta sa kalusugan ng publiko.

Ayon sa kardinal, malinaw ang itinatakda ng Republic Act 9003, o ang Ecological Solid Waste Management Act, na tanging residual waste lamang ang dapat mapunta sa mga landfill matapos ang wastong segregasyon o paghihiwalay, composting, at recycling.

Ngunit sa aktuwal na kalagayan, iginiit ni Cardinal David na nagiging tambakan ang mga ito ng halo-halong basura, kabilang ang toxic at medical waste.

“Let’s call a spade a spade. Most so-called sanitary landfills in the Philippines are dumpsites in disguise, ayon kay Cardinal David.

Ipinaliwanag niya na ang ganitong sistema ay nagbubunga ng pagbuga ng methane na nagpapalala ng climate crisis, pagtagas ng lason sa lupa at katubigan, at paglalantad ng mga pamayanan, lalo na ang mahihirap, sa matitinding panganib sa kalusugan.

Tinukoy rin ni Cardinal David ang kakulangan sa edukasyon at kamalayan bilang pinakamalaking puwang sa implementasyon ng batas.

Aniya, bilyon-bilyong piso ang ginagastos ng mga lokal na pamahalaan sa paghakot at pagtatapon ng basura, ngunit halos walang inilalaan para sa pagtuturo kung paano mababawasan ang paglikha nito.

“[Local government units] spend billions hauling and dumping garbage—but invest almost nothing in teaching people how not to produce it,” giit ng kardinal.

Binigyang-diin din ni Cardinal David na ang mga trahedyang kaugnay ng landfill, tulad ng nangyari sa Cebu, ay hindi simpleng sakuna kundi malinaw na resulta ng kapabayaan at mahinang pagpapatupad ng batas.

Nanawagan ang kardinal sa mamamayan na magsimula sa wastong segregasyon ng basura sa tahanan at papanagutin ang mga lokal na pamahalaan.

Hinikayat din niya ang mga lokal na pamahalaan na ilipat ang pondo mula sa pagtatapon tungo sa edukasyon, at ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na itigil ang pag-apruba sa mga proyektong lumalabag sa batas pangkalikasan.

“This is not just about garbage. It is about health, climate justice, and the future of our children,” saad ni Cardinal David.

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 16,434 total reads

 16,434 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 34,309 total reads

 34,309 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 74,198 total reads

 74,198 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 108,325 total reads

 108,325 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 164,731 total reads

 164,731 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 178,546 total reads

 178,546 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top