Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pakikipagdayalogo at pakikimuhay sa sambayanan, isasabuhay ng bagong Obispo ng San Jose

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 53,348 total views

Tiniyak ni San Jose Nueva Ecija Bishop Samuel Agcaracar, SVD ang pagsusulong ng mas malalim na pakikipagdayalogo at pakikipamuhay sa sambayanan bilang pangunahing gawain ng kanyang pagpapastol sa diyosesis.

Ito ang binigyang-diin ng bagong obispo matapos maordinahan nitong January 17 sa Holy Spirit Chapel ng Divine Word Seminary sa Tagaytay City. Ayon kay Bishop Agcaracar, mahalaga ang patuloy na pakikipag-ugnayan ng Simbahan sa lahat ng sektor ng

lipunan, kabilang ang pamahalaan at iba pang institusyon, upang maisulong ang tunay at pangmatagalang pagbabago sa pamayanan. “Although we are a Catholic country, we as a Church should continue to dialogue and create opportunities to network with the government and other agencies with whom we can share our vision and transform our society,” ayon kay Bishop Agcaracar.

Binanggit ng obispo na ang diwa ng synodality, ang pakikinig, pakikilakbay, at sama-samang pagdedesisyon, ang magsisilbing gabay sa kanyang pamumunong pastoral. Binigyang-diin din ng pastol ang kahalagahan ng pakikipamuhay sa
nasasakupang kawan upang ganap na maisakatuparan ang pagiging Simbahang naglalakbay nang magkakasama.

Kabilang sa mga prayoridad ni Bishop Agcaracar ang pagpapaigting sa Basic Ecclesial Communities (BECs) ng diyosesis na kanyang itinuring na mahalagang plataporma ng ebanghelisasyon, lalo na sa mga munting pamayanan. “I have heard that our diocese in San Jose has a strong Basic Ecclesial Communities. And I think that is already a very good platform for us to enhance and incorporate into the biblical ministry… because I believe that if these ecclesial communities are not rooted in the divine word, something is missing,” dagdag pa ng obispo.

Binigyang-halaga rin ng bagong pastol ng San Jose Nueva Ecija ang pangangalaga sa kalikasan bilang mahalagang bahagi ng misyon ng Simbahan, alinsunod sa diwa ng Laudato Si.

Kaugnay nito, ibinahagi niya ang adbokasiyang “We Are All Farmers,” isang paanyaya sa sama-samang pananagutan sa pag-aaruga sa kalikasan at sa mga magsasaka, lalo’t kinikilala ang lalawigan bilang rice granary ng bansa.

“The spirit of Laudato Si, for me, is a spirituality, a call for conversion… ‘We are all farmers’ is not just a socio-political statement, but an invitation to take care of our common home,” ayon kay Bishop Agcaracar.

Hinimok din ng obispo ang mga pari at layko ng diyosesis na magkaisa sa pagtataguyod ng misyon ng Simbahan upang maisulong ang tunay na pag-unlad at paglago ng pananampalataya sa pamayanan.

“There are many good people waiting to be tapped, willing to contribute to the Church’s mission,” dagdag ng obispo.

Pinangunahan ni Cardinal Luis Antonio Tagle, Pro-Prefect ng Dicastery for Evangelization ng Vatican, ang episcopal ordination ng bagong obispo katuwang sina Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown at San Jose
Occidental Mindoro Bishop Pablito Tagura, SVD. Itinakda naman ng Diocese of San Jose ang pagluklok kay Bishop Agcaracar sa February 6, 2026.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 5,441 total views

 5,441 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 28,463 total views

 28,463 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 67,957 total views

 67,957 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Sapat na kanin sa mesa

 83,309 total views

 83,309 total views Mga Kapanalig, hindi maaaring mawala ang kanin sa mesa ng bawat pamilyang Pilipino, kaya mahalagang tiyaking sapat ang suplay ng bigas sa mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top