Diocese ng Kalookan, nanawagan ng suporta sa Alay Kapwa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 460 total reads

Umaapela ang Diocese ng Kalookan sa mga mananampalataya na suportahan ang kanilang mga programa ngayong panahon ng Kuwaresma na naglalayong tumulong sa mga nangangailangan.

Ayon kay Rev. Fr. Benedict Cervantes, Social Action Director ng Diocese of Kalookan, natutuwa sila sa magandang tugon ng publiko sa kanilang fast to feed program na sinimulan noong Ash Wednesday naglalayong tulungan ang mga malnourished children at mabigyan sila ng sapat na pagkalinga.

Umaasa si Fr. Cervantes na suportahan din ng mga mananampalataya ang programa para sa Alay Kapwa kung saan layunin na makalikom ng pondo para itulong sa mga mangangailangan sa oras ng kalamidad.

“Sa ating alay kapwa naman po taon-taon natin itong ginagawa na every holy week nagbabahagi tayo ng ating makayanan sa ating mga kapwa na may pangangailangan, patuloy po ang panawagan ng ating Diocese, ng ating Simbahan na pagbibigay ng tugon sa pangangailangan ng mga kapatid natin ngayon na panahon ng semana santa.”pahayag ni Fr. Cervantes sa Damay Kapanalig.

Magugunitang tuwing linggo ng palaspas o Palm Sunday ay nagsasagawa ng second collection sa iba’t-ibang mga parokya kung saan ang nalilikom na pondo ay siyang ginagamit sa mga relief operation o rehabilitation program ng Simbahan sa mga biktima ng kalamidad.

Hindi bababa sa 20 bagyo kada taon ang nararanasan ng bansa kung saan ang Simbahan ay aktibong tumutugon sa pangangailangan ng mga biktima.

Kaugnay nito, ang Himpilan ng Radyo Veritas at Social Arm ng Archdiocese of Manila na Caritas Manila ay magsasagawa ng Alay Kapwa Telethon sa ika-10 ng Abril bilang tugon sa panawagan ng nasabing programa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 56,428 total reads

 56,428 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 142,924 total reads

 142,924 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 185,961 total reads

 185,961 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 235,720 total reads

 235,720 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 394,239 total reads

 394,239 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 116,357 total reads

 116,357 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top