Mga Kristiyano, hinamong ituring ang bawat isa na magkapatid kay Kristo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 34,080 total views

Hinikayat ni Cebu Archbishop Alberto Uy ang mga Kristiyano mula sa iba’t ibang denominasyon na maging saksi ng pagkakaisa sa gitna ng lumalalim na pagkakahati sa mundo upang maghatid ng pag-asa sa pamayanan.

Ito ang mensahe ng arsobispo sa paggunita ng Week of Prayer for Christian Unity, kung saan iginiit na ang sama-samang pagtindig ng mga Kristiyano ay mahalaga lalo na sa kasalukuyang sitwasyon ng lipunan na haharap sa iba’t ibang suliranin.

“In a world wounded by division, conflict, and mistrust, our shared witness of respect, dialogue, and cooperation becomes a powerful sign of hope,” ayon kay Archbishop Uy.

Paliwanag ng arsobispo na ang pagbubuklod ng mga Kristiyano ay hindi nangangahulugang pagkakapare-pareho ng pananaw subalit paalala sa bawat isa na pinag-isa ni Hesus ang sangkatauhan.

“Christian unity is not about thinking the same, but loving the same Lord. It does not require us to deny our differences, but it calls us to face them with humility, gentleness, patience, and love. Before we belong to different Christian traditions, we belong first to Jesus Christ, who calls us to be one,” dagdag ni Archbishop Uy.

Bilang pinuno ng Simbahan sa Cebu, hinamon niya ang mga Kristiyano na ituring ang isa’t isa hindi bilang magkakatunggali kundi bilang magkakapatid kay Kristo.

Binigyang-diin din ni Archbishop Uy ang pagpili ng pag-ibig at kapayapaan ay daan upang mapanatili ang tunay na pagkakaisa sa bisa ng Espiritu Santo.

Inilunsad ng ecumenical faith community sa pangunguna ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commision on Ecumenical Affairs at ng National Council of Churches in the Philippines ang Week of Prayer for Christian Unity noong January 19 sa Bishop Moises F. Buzon Memorial Church ng Iglesia Unida Ekyumenikal sa Tondo Manila.

Pinalawak ng CBCP ECEA at NCCCP ang pagdiriwang sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas kabilang na sa San Carlos Seminary ng Archdiocese of Cebu.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAG-ASA

 3,302 total views

 3,302 total views Kapanalig, tayong mga Pilipino ay patuloy na kumakapit sa Pag-asa (Hope). Nang ma-appoint si dating DOJ secretary Crispin Remulla na Ombudsman noong October

Read More »

VP Sara

 25,307 total views

 25,306 total views Kapanalig, mayroong kasabihan na walang lihim na hindi nabubunyag! Nabunyag sa pagdinig ng House Committee on Justice na dumidinig sa impeachment complaint na

Read More »

Itigil ang pagdanak ng dugo

 49,649 total views

 49,648 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 73,890 total views

 73,890 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 109,518 total views

 109,518 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top