Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kahirapan at pagkasira ng kalikasan, iisang sugat na hindi maaring paghiwalayin

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 38,021 total views

Binigyang-diin ni Caritas Philippines president, San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, na ang tunay na pananampalataya ay nagsisimula sa pag-ibig ng Diyos at humahantong sa malinaw na paninindigan laban sa mga sistemang pumipinsala sa mahihirap at sa kalikasan.

Ginawa ni Bishop Alminaza ang pagninilay sa ginanap na 3-day church-led conference na “Hayuma: Mending the Broken” sa University of Santo Tomas noong January 15, 2026.

Sa kanyang pagninilay na pinamagatang “Dilexi Te: Tolerated Evils and How to Be the Church of the Poor,” iginiit ng obispo na ang pananampalataya ay nagmumula sa pag-ibig ng Diyos sa mahihina at dukha, at ang pag-ibig na ito ay hindi dapat manatiling ideya lamang, kundi isinasabuhay sa konkretong pagkilos.

Sinabi ng Obispo na ang kahirapan, pagkasira ng kalikasan, at kawalang-seguridad sa kabuhayan ay hindi bunga ng kapalaran kundi resulta ng mga sistemang pumapabor sa iilan habang pinapasan ng nakararami ang bigat ng krisis.

“Dilexi te opens with a quiet but unsettling declaration: ‘I have loved you.’… The exhortation warns us that the greatest threat is not outrage but indifference. A culture that grows used to suffering. A society that moves on quickly. A faith that risks becoming comfortable with what should never be acceptable,” ayon kay Bishop Alminaza.

Binigyang-diin din ni Bishop Alminaza na ang pagkasira ng kalikasan at ang patuloy na kahirapan ay iisang sugat na hindi maaaring paghiwalayin.

Ayon sa obispo, tungkulin ng Simbahan na hindi lamang tumugon sa agarang pangangailangan, kundi hamunin at baguhin ang mga patakarang lumilikha ng kawalan ng katarungan.

Iginiit ng pangulo ng Caritas Philippines na ang Simbahan ay tinatawag na maging konsensya ng lipunan, hindi upang aliwin ang makapangyarihan, kundi upang tumindig kasama ng mahihirap, pakinggan ang kanilang tinig, at isulong ang makatarungang pamamahala at ekonomiya.

“May we become a Church in the Philippines that refuses tolerated evils. A Church that hears the cry as one cry. A Church that walks with the poor, patiently mending what has been broken, together,” saad ni Bishop Alminaza.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 17,903 total views

 17,903 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 40,925 total views

 40,925 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 80,419 total views

 80,419 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Sapat na kanin sa mesa

 94,300 total views

 94,300 total views Mga Kapanalig, hindi maaaring mawala ang kanin sa mesa ng bawat pamilyang Pilipino, kaya mahalagang tiyaking sapat ang suplay ng bigas sa mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top