Tangkang pagbuwag sa barikada ng mga residente ng Dupax del Norte, kinundena ng ATM

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 46,727 total reads

Mariing kinondena ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ang hindi makatarungang paggamit ng puwersa ng kapulisan sa pagtatangkang buwagin ang barikada ng mga residente ng Barangay Bitnong, Dupax del Norte, Nueva Vizcaya, na tumututol sa exploration activities ng Woggle Corporation.

Ayon sa mga paunang ulat mula sa lugar, mahigit 300 pulis ang ipinakalat upang ipatupad ang isang court order, na nagresulta sa pag-aresto sa anim na katao, pagkasugat ng ilan, at pagkawala ng malay ng dalawang residente.

Inilarawan ni ATM chairperson Rene Pamplona na labis at hindi makatuwiran ang laki ng puwersang ipinadala, lalo’t ang barikada na lamang ang natitirang paraan ng mga residente upang ipakita ang kanilang pagtutol sa pagmimina.

“This brutal display of police force is unacceptable. For one, the residents have no other recourse but to put up a barricade to register their opposition to mining and to Woggle’s exploration activities,” pahayag ni Pamplona.

Iginiit ng alyansa na nabigo ang Woggle Corporation at ang pamahalaan na magsagawa ng tunay na konsultasyon at makuha ang malinaw na pahintulot ng mga komunidad.

Dahil dito, ayon sa ATM, walang basehan ang pagpapatuloy ng exploration activities at dapat igalang ang karapatan ng mamamayan na tutulan ang proyekto.

Ikinababahala rin ni Pamplona ang desisyon ng korte na maglabas ng preliminary injunction sang-ayon sa kumpanya, na nagpapakita ng pagkiling ng mga institusyon ng gobyerno sa interes ng pagmimina.

“It is deplorable that government institutions, such as the [Department of Environment and Natural Resources] and now the regional trial court, have taken the side of the mining corporation to the detriment of communities and the environment,” giit ni Pamplona.

Nanawagan ang ATM sa mga lokal na pamahalaan na panigan ang kanilang mga nasasakupan at suportahan ang pagbawi sa exploration permit ng Woggle Corporation.

Binibigyang-diin ng grupo na tungkulin ng mga halal na opisyal na ipagtanggol ang kapakanan ng mamamayan at unahin ang pangangalaga sa kalikasan kaysa sa mapaminsalang pagmimina.

“We stand in solidarity with the protestors, and we laud their firm conviction and undaunted commitment to protect their communities from the inevitable destruction caused by mining operations,” saad ni Pamplona.

Una nang iginiit ni Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao na hindi dapat madaliin ang pag-aalis ng barikada sa lugar, dahil kailangan pang malinaw na tukuyin ang mga suliranin, kabilang ang pagmamay-ari ng mga lupang maaapektuhan ng proyekto ng Woggle Mining Corporation.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 77,755 total reads

 77,755 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 172,489 total reads

 172,489 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 216,757 total reads

 216,757 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 239,866 total reads

 239,866 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 311,498 total reads

 311,498 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 146,735 total reads

 146,735 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top