Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Santo Papa, nagtalaga ng bagong obispo sa Diocese of Kalibo

SHARE THE TRUTH

 4,141 total views

Itinalaga ni Pope Leo XIV si Fr. Cyril Villareal ng Archdiocese of Capiz bilang bagong obispo ng Diocese of Kalibo.

Isinapubliko ng Vatican ang appointment ng pari nitong January 24 kung saan siya ang hahalili kay Bishop Jose Corazon Tala-oc, na nagretiro noong June 2025 matapos ang halos 14 na taong paglilingkod bilang pastol ng diyosesis.

Ipinanganak si Fr. Villareal noong March 1974.

Nagtapos ng philosophy sa St. Pius X Seminary sa Roxas City at theology naman sa University of Santo Tomas sa Maynila.

Naordinahang pari noong May 25, 2001.
Nagkamit din si Fr. Villareal ng master’s degree sa higher religious studies at licentiate naman sa sacred theology sa University of Santo Tomas, gayundin ng master’s degree sa theology sa University of Vienna.

Mula 2005 hanggang 2010, nagsilbi ang pari bilang assistant chaplain ng Filipino Catholic Chaplaincy sa Archdiocese of Vienna, at assistant priest sa Parish of Our Lady of Mount Carmel sa Vienna.

Bukod pa rito, siya ay naging assistant dean of theology ng Sancta Maria Mater et Regina Seminarium ng Archdiocese of Capiz sa Roxas City mula 2000 hanggang 2004.

Simula July 2024, itinalaga siyang kura paroko ng St. Thomas of Villanova Parish sa Dao, Capiz.

Nagsilbi rin si Fr. Villareal bilang vicar general ng arkidiyosesis sa panahon ng panunungkulan ni dating Archbishop Jose Cardinal Advincula.

Nang mailipat si Cardinal Advincula sa Archdiocese of Manila noong June 2021, si Fr. Villareal ay nahalal na tagapangasiwa ng arkidiyosesis sa panahon ng sede vacante, isang tungkuling kanyang ginampanan hanggang sa maitalaga at maluklok si Archbishop Victor Bendico noong May 2023.

Bukod dito, nagsilbi rin si Fr. Villareal bilang rector ng Colegio de la Purisima Concepcion sa Roxas City.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trahedya sa basura

 93,190 total views

 93,190 total views Mga Kapanalig, isang trahedya ang pagguho ng Binaliw landfill sa Cebu City ngayong Zero Waste Month pa naman. Noong ika-8 ng Enero, gumuho

Read More »

Tunay na kaunlaran

 114,966 total views

 114,966 total views Mga Kapanalig, ilang barikada pa kaya ang itatayo ng mga residente ng bayan ng Dupax del Norte sa Nueva Vizcaya upang protektahan ang

Read More »

Huwag gawing normal ang korapsyon

 138,867 total views

 138,867 total views Mga Kapanalig, kasama nating tumawid sa 2026 ang isyu ng korapsyon. Wala pa ring napananagot na malalaking isda, ‘ika nga, sa mga sangkot

Read More »

Kaunlarang may katarungan

 246,224 total views

 246,224 total views Mga Kapanalig, nagdiriwang ang mga vendors ng Baguio City Public Market matapos umatras ang SM Prime Holdings sa planong redevelopment ng pamilihan. Patunay

Read More »

Panalo para sa edukasyon?

 269,907 total views

 269,907 total views Mga Kapanalig, ngayong 2026, naglaan ang pamahalaan ng mahigit isang trilyong piso para sa Department of Education (o DepEd) at mga attached agencies

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top