Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mananampalataya, inaanyayahang makiisa sa Alay Bahay charity program

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 35,081 total views

Inaanyayahan ng Obispo ng Diyosesis ng Kidapawan ang mga mananampalataya na makiisa sa pagbabahagi ng biyaya sa mga higit na nangangailangan.

Bilang paghahanda sa ika-72 kaarawan ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo sa ika-30 ng Enero ay inaanyayahan ang lahat ng makibahagi sa inisyatibong Bishop Alay Bahay Program na naglalayong makapagpatayo at makapagbigay ng bahay para sa mga walang tahanan at mahihirap na pamilya sa diyosesis.

Sa mensahe ni Bishop Bagaforo, hiniling ng Obispo ang panalangin at pakikiisa ng lahat para sa patuloy na tagumpay ng programa na sinimulan sa kanyang ika-45 anibersaryo ng pagkapari.

“The Bishop Alay Bahay Program is a charity program that I initiated for the homeless and poor families from our Gagmay’ng Kristohanong Katilingban (GKKs) with the support of the parish priests. I started this program when I celebrated my 45th year anniversary in the priesthood.” Bahagi ng mensahe ni Bishop Bagaforo.

Partikular na nanawagan si Bishop Bagaforo ng pakikibahagi sa pagsasagawa ng second collection o ikalawang koleksyon sa buong diyosesis ngayong ika-25 ng Enero, 2026 para sa nasabing Bishop’s Alay Bahay Program na layong magbigay ng disenteng tirahan sa mga pinakamahihirap na pamilya sa diyosesis.

Layunin ng ikalawang koleksyon na makapagpatayo pa ng mas maraming tahanan para sa mga pamilyang matagal nang nangangarap ng isang ligtas at marangal na tirahan.

“On January 30, I shall celebrate my 72nd birthday, and to have an additional funding for this BISHOP’S AlAY BAHAY program, there will be a SECOND COLLECTION on January 25, 2026 in all Masses which shall be somehow a birthday guft to me. Please encourage our faithful to donate a little amount as their participation in my wish to provide decent houses to many of the poorest of the poor among us.” Dagdag pa ni Bishop Bagaforo.

Sa kasalukuyan, sampung (10) bahay na ang naipatayo ng programa para sa mga maralitang pamilya sa limang parokya sa diyosesis na isang konkretong tanda ng pananampalatayang isinasabuhay sa pamamagitan ng pagkilos at pagtulong sa kapwa.

Pagbabahagi ni Bishop Bagaforo, “The Cash gifts and stipends that I have received are the sources of funds for this noble initiative. At present, there are already Ten (10) houses built in five (5) parishes.”

Ibininahagi pa ng Obispo na sa kanyang pagdiriwang ng kaarawan, ang pinakamainam na regalo ay hindi lamang handog para sa kanya, kundi pag-asa at bagong simula para sa mga pamilyang nangangailangan ng tahanan na isang patunay na ang Simbahan ay patuloy na naglilingkod sa mga dukha, gaya ng itinuturo ng Ebanghelyo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 15,268 total views

 15,268 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 38,290 total views

 38,290 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 77,784 total views

 77,784 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Sapat na kanin sa mesa

 91,931 total views

 91,931 total views Mga Kapanalig, hindi maaaring mawala ang kanin sa mesa ng bawat pamilyang Pilipino, kaya mahalagang tiyaking sapat ang suplay ng bigas sa mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Malaking kilos-protesta, itinakda ng IRLCNT

 12,768 total views

 12,768 total views Inanunsiyo ng Inter-Religious Leaders Council for National Transformation (IRLCNT) ang nakatakdang pagsasagawa ng malaking kilos-protesta laban sa korapsyon at political dynasty sa bansa

Read More »
Scroll to Top