Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 170,428 total views

Mga Kapanalig, ipinagdiriwang ng pamahalaan ang makasaysayang pagtuklas ng natural gas sa Malampaya East-1 (o MAE-1) reservoir sa karagatan ng Palawan. Ang MAE-1 ay may tinatayang 98 bilyong cubic feet ng gas, sapat upang makalikha ng halos 14 bilyong kilowatt-hours ng kuryente kada taon. Kaya itong mag-supply ng kuryente sa 5.7 milyong kabahayan.

Sa Malampaya nanggagaling ang malaking bahagi ng natural gas na ginagamit para lumikha ng kuryenteng ginagamit sa malaking bahagi ng Luzon. Pero paunti nang paunti ang supply ng natural gas doon, dahilan upang magsimulang mag-import ng gas ang bansa noong 2023. Pagdating ng 2024, halos kalahati ng kailangan nating gas sa buong bansa ay imported na. Dahil dito, tumaas ang singil sa kuryente. Sa tulong ng bagong diskubre na reservoir, inaasahang mapapalawig ang buhay ng Malampaya hanggang 2030.

Ayon kay Energy Secretary Sharon Garin, makatutulong ang MAE-1 na pababain ang presyo ng kuryente at tiyaking may supply tayo ng kuryente sa mahabang panahon. Hindi nga lang daw ito agad mararamdaman. Kasabay kasi ng paghahanap ng natural gas ay ang pamumuhunan sa renewable energy sources. Kapag daw pumasok na sa bansa lahat ng mapagkukunan ng enerhiya sa mga susunod na taon, doon palang mararamdaman ang positibong epekto ng MAE-1. Sa pagkaakroon natin ng supply mula sa ating bansa, hindi na tayo gaanong aasa sa importasyon. Mas maliwanag daw ang bukas natin. 

Pero kilatisin nating mabuti ang patuloy na pagdepende sa petrolyo at natural gas para sa paglikha ng enerhiya.

Malaki ang papel ng natural gas sa enerhiya, pero dapat pa ring isaalang-alang ang epekto ng pagpoproseso nito sa kapaligiran. Ang natural gas ay fossil fuel pa rin—non-renewable o nauubos. Ang patuloy na pag-asa at pagpaprayoridad dito ay nagpapatagal lang sa atin sa pag-transition o paglipat tungo sa tunay na sustainable at renewable energy sources. Kung ikukumpara sa renewable energy sources, katulad ng wind at solar, mas mataas pa rin ang kontribusyon ng natural gas sa pag-init ng mundo at sumisira pa ng buhay-dagat. 

Hindi hiwalay ang mga pinsalang ito sa buhay ng tao dahil bumabalik ang mga ito sa anyo ng matitinding sakuna at paglala ng krisis sa klima. Sa Cathoilic social teaching na Laudato Si’, tinalakay ang malalim na ugnayan ng tao, lipunan, at kalikasan. Tinatawag itong integral ecology. Hindi maihihiwalay ang tao sa kalikasan. Sa usapin ng natural gas, bagamat “maliwanag na bukas” ang dala nito para sa mga tao, ibang “bukas” ang haharapin ng kalikasan. 

Hindi rin tiyak na magreresulta sa mas murang kuryente ang natural gas. Ang presyo nito ay dinidiktahan pa rin ng pandaigdigang merkado, kaya labas pa rin sa ating kontrol kung magkano ang aabutin nito. Kung gayon, walang kasiguraduhan ang pangakong ginhawa sa ating mga konsyumer.

Dapat ding harapin ang katotohanang may hangganan ang natural gas. Kahit pa palawigin ng MAE-1 ang buhay nang Malampaya ng ilang taon, nananatili itong pansamantalang source ng enerhiya. Ang patuloy na pag-asa sa mga pinagkukunan ng enerhiya na ilang taon lamang ang itinatagal ay nangangahulugang paulit-ulit lamang nating kakaharapin ang parehong mga problema: kakulangan sa supply, pagdepende sa importasyon, at mahal na kuryente.

Mga Kapanalig, nagbababalâ ang Isaias 24:4-6 na masisira ang daigdig dahil sa kagagawan ng tao, at parurusahan ng Diyos ang sangkatauhan dahil sa paglabag at pagsuway sa Kanyang mga utos. Huwag na nating hintaying magkatotoo ang babalang ito. Huwag nating hayaang ang nagbibigay ilaw at liwanag ngayon sa tao ang siyang magpapadilim sa bukas ng kalikasan. Ang mas maliwanag na bukas ay makakamit lamang kung ang liwanag ngayon ay hindi sumisira sa buhay ng tao at ng buong sangnilikha.

Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Wala ba talagang due process?

 125,888 total views

 125,888 total views Mga Kapanalig, balik-kulungan si dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. Ipinag-utos ng Sandiganbayan ang pansamantalang pagkulong kay dating Senador Revilla kaugnay ng kasong

Read More »

Mas maliwanag na bukas?

 170,429 total views

 170,429 total views Mga Kapanalig, ipinagdiriwang ng pamahalaan ang makasaysayang pagtuklas ng natural gas sa Malampaya East-1 (o MAE-1) reservoir sa karagatan ng Palawan. Ang MAE-1

Read More »

Seryosohin ang pagpapanagot

 201,822 total views

 201,822 total views Mga Kapanalig, nai-file na sa House of Representatives ang kauna-unahang impeachment complaint laban kay Pangulong Bongbong Marcos, Jr. mula nang umupo siya sa

Read More »

Trahedya sa basura

 217,657 total views

 217,657 total views Mga Kapanalig, isang trahedya ang pagguho ng Binaliw landfill sa Cebu City ngayong Zero Waste Month pa naman. Noong ika-8 ng Enero, gumuho

Read More »

Tunay na kaunlaran

 239,433 total views

 239,433 total views Mga Kapanalig, ilang barikada pa kaya ang itatayo ng mga residente ng bayan ng Dupax del Norte sa Nueva Vizcaya upang protektahan ang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Wala ba talagang due process?

 125,889 total views

 125,889 total views Mga Kapanalig, balik-kulungan si dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. Ipinag-utos ng Sandiganbayan ang pansamantalang pagkulong kay dating Senador Revilla kaugnay ng kasong

Read More »

Seryosohin ang pagpapanagot

 201,823 total views

 201,823 total views Mga Kapanalig, nai-file na sa House of Representatives ang kauna-unahang impeachment complaint laban kay Pangulong Bongbong Marcos, Jr. mula nang umupo siya sa

Read More »

Trahedya sa basura

 217,658 total views

 217,658 total views Mga Kapanalig, isang trahedya ang pagguho ng Binaliw landfill sa Cebu City ngayong Zero Waste Month pa naman. Noong ika-8 ng Enero, gumuho

Read More »

Tunay na kaunlaran

 239,434 total views

 239,434 total views Mga Kapanalig, ilang barikada pa kaya ang itatayo ng mga residente ng bayan ng Dupax del Norte sa Nueva Vizcaya upang protektahan ang

Read More »

Huwag gawing normal ang korapsyon

 260,720 total views

 260,720 total views Mga Kapanalig, kasama nating tumawid sa 2026 ang isyu ng korapsyon. Wala pa ring napananagot na malalaking isda, ‘ika nga, sa mga sangkot

Read More »

Kaunlarang may katarungan

 367,334 total views

 367,334 total views Mga Kapanalig, nagdiriwang ang mga vendors ng Baguio City Public Market matapos umatras ang SM Prime Holdings sa planong redevelopment ng pamilihan. Patunay

Read More »

Panalo para sa edukasyon?

 391,017 total views

 391,017 total views Mga Kapanalig, ngayong 2026, naglaan ang pamahalaan ng mahigit isang trilyong piso para sa Department of Education (o DepEd) at mga attached agencies

Read More »

Kasakiman at karahasan

 212,628 total views

 212,628 total views Mga Kapanalig, ilang araw pa lang nang salubungin ng buong mundo ang taóng 2026, binulaga ang lahat ng tinatawag na “large-scale strike” ng

Read More »

Lingkod-bayan, hindi idolo

 378,563 total views

 378,563 total views Mga Kapanalig, ano ang isasagot ninyo sa tanong na ito: maaari bang pakisabi kung gaano kalaki o kaliit ang inyong pagtitiwala kay Pangulong

Read More »

Bumaba naman ang mga nasa itaas

 386,927 total views

 386,927 total views Mga Kapanalig, sinasabi sa Mga Kawikaan 15:1: “Ang malumanay na sagot, nakapapawi ng galit, ngunit sa tugóng marahas, poot ay hindi mawawaglit.” Ipinahihiwatig

Read More »
Scroll to Top