CBCP-ECMI, nanawagan sa simbahan, pamahalaan at mamamayan na labanan ang human trafficking

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 27,639 total reads

Tiniyak ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission for the Pastoral Care of Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI) ang pagsasabuhay sa temang “Peace Begins with Dignity: A Global Call to End Human Trafficking,.

Ito ang mensahe ni CBCP-ECMI chairman Puerto Princesa Bishop Socrates Mesiona sa National Day of Prayer and Awareness Against Human Trafficking (NDPAHT).

Nananawagan si Bishop Mesiona sa simbahan, pamahalaan, civil society group at mamamayan na sama-samang labanan ang pang-aabuso sa dignidad ng tao.

Iginiit ng Obispo na nananatiling banta ang human trafficking sa Pilipinas kabilang ang ilegal na recruitment, sapilitang paggawa, sexual abuse , at paglaganap ng online abuse, partikular sa mga bata.

““Peace is not merely the absence of conflict; true peace begins when every human person is recognized, respected, and protected in his or her God-given dignity,” ayon sa mensahe ni Bishop Mesiona.

Ayon sa Komisyon, lumalala ang sitwasyon dahil sa kahirapan, displacement, kakulangan sa edukasyon, digmaan, kalamidad, at maling paggamit ng digital platforms, lalo na sa mga migrante, kababaihan, bata, at marginalized o mahihirap na pamilya.

Nanawagan ang CBCP-ECMI ng kooperasyon at pagtutulungan sa pagpapalaganap ng impormasyon laban sa operasyon ng human trafficking.

Hinimok ng Obispo ang estado na mahigpit na ipatupad ang batas,bigyan ng proteksyon ang mga biktima at pabagutin ang mga sala.

Hinikayat din ng Obispo ang mga parokya na maging mapagbantay at makiisa sa diocesan programs laban sa human trafficking, lalo na sa pamamagitan ng edukasyon, social media, at youth formation.

“We are called to listen to the cry of the poor, protect the vulnerable, and challenge structures that allow exploitation to persist. Human trafficking is not merely a social issue; it is a profound moral concern that calls for conversion of hearts and transformation of systems.” bahagi pa ng mensahe ni Bishop Mesiona

Sa NDPAHT ay itinampok ang halimbawa ni Santa Josephine Bakhita, dating biktima ng pagka-alipin, bilang simbolo ng pag-asa at pananampalataya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kapag ginagawang sandata ang batas

 34,617 total reads

 34,617 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 70,463 total reads

 70,463 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 124,298 total reads

 124,298 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 186,151 total reads

 186,151 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 253,891 total reads

 253,891 total reads Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top