Installation ng bagong Obispo ng Diocese of San Jose, pangungunahan ng Papal Nuncio

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 29,816 total views

Pangungunahan ng Papal Nuncio to the Philippines, Archbishop Charles Brown ang pagluluklok kay Bishop Samuel Agcaracar, SVD bilang ikalimang obispo ng Diocese of San Jose.
Ayon sa diyosesis, isasagawa ang pagluklok sa February 6, alas-9:30 ng umaga, sa St. Joseph the Worker Cathedral.

Magbabahagi naman ng pagninilay sa pagdiriwang si Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas.

Nauna nang isinapubliko ng diyosesis ang mga sagisag at kulay ng coat of arms ng bagong obispo, na naglalahad ng kanyang pinagmulan, paglalakbay bilang misyonero, at mga prinsipyong magsisilbing pundasyon ng kanyang pagpapastol sa mahigit kalahating milyong Katoliko sa San Jose, Nueva Ecija.

Tampok sa eskudo ang mga sagisag ni San Jose, patron ng diyosesis kabilang ang dalawang liryo para sa kadalisayan, korona bilang tanda ng angkan ni David, tungkod bilang ulo ng Banal na Pamilya, at mga panandang kaugnay ng kanyang hanapbuhay bilang karpintero.

Ang bughaw na kulay ay sumasagisag sa parangal sa Mahal na Birheng Maria, ang Kalinis-linisang Kabiyak ni San Jose.

Makikita rin sa coat of arms ang Pantabangan Dam, inukit mula sa luntiang anyo ng Sierra Madre, na nagbibigay-buhay sa mga palayan, larawan ng paglilingkod na handang mag-alay ng sarili para sa kabutihan ng nakararami.

Isinasaad din sa mga pananda ang kanyang pagkakakilanlan bilang misyonero ng Society of the Divine Word (SVD) sa pamamagitan ng sipi mula sa 1 Samuel 7:12, “Thus far the Lord has helped us,” bilang pagpupugay sa kanyang baptismal namesake na si Samuel na isang pari, propeta, at hukom, na patuloy nagpapasigla sa kanyang sigasig bilang misyonero.

Tampok din ang Puso ni Hesus na hango sa panalangin ni St. Arnold Janssen, tagapagtatag ng SVD, “May the Heart of Jesus live in the hearts of all” bilang patibay ng pangakong ebanghelisasyon.

Sa ibabang bahagi ng eskudo, makikita ang salakot at bigkis ng palay sa gitna ng luntiang bukirin bilang paggunita sa pinagmulan ni Bishop Agcaracar sa Claveria at sa kanyang adhikaing itaguyod ang pangangalaga sa kalikasan, katarungang ekolohikal, at sustenableng kaunlaran na binibigyang-diin ng kanyang panawagang “We are all farmers.”

Kasama rin sa simbolo ang batong Lakay-Lakay, isang bantayog sa baybayin ng Claveria na nagsisilbing gabay lalo na tuwing may malalakas na bagyo, sagisag ng matibay na pananampalataya, pagkakaisa ng pamayanan, at tanda ng pagiging kauna-unahang obispo ng bayan.

Nakaukit sa coat of arms ang episcopal motto ni Bishop Agcaracar na “Fac nos omnes unum in Eo” (“Make us all one in Him”), mula sa Quarter Hour Prayer ni St. Arnold Janssen, na sumasalamin sa kanyang bisyon ng pagkakaisa sa Kristo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG SIMBAHAN

 7,914 total views

 7,914 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 31,066 total views

 31,066 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 101,179 total views

 101,179 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 175,792 total views

 175,792 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 255,357 total views

 255,357 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top