Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Caritas Philippines, paiigtingin ang pakikipagtulungan sa pamahalaan

SHARE THE TRUTH

 1,373 total views

Pinapatibay ng Caritas Philippines – National Social Action General Assembly 2026 ang pagtutulungan ng mga Social Action Center sa Pilipinas (SAC) gayundin sa pamahalaan.

Sa pagdaraos ng NASAGA 2026 sa Tagaytay City, iginiit ni Caritas Philippines President San Carlos Bishop Gerardo Alminaza na ang pagsama-sama ng lahat ng Social Action Center Director at mga staff ay mahalaga para lalong pagtibayin at pag-ibayuhin ang pagtutulungan sa pagtugon sa pangangailangan ng mga mahihirap, nagugutom at mga biktima ng iba’t-ibang kalamidad.

“Kasi ang gawain natin ay talagang malaking tulong ito sa pag-concretize ng ibanghelyo, ng gospel message na ito ay magiging credible at may impact sa buhay na hindi lang ng mga individuals but of communities. So, ang pagsama-sama every two years, importante for updating, for ongoing formation, for strengthening the organization, as well as reading the signs of the times together in the light of the gospel and the Catholic social teachings.” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Bishop Alminaza.

Idinagdag ni Bishop Alminaza na ang pagtitipon tuwing kada dalawang taon(2) ng mga bumubuo sa social arm ng Catholic Bishops Conference of the Philippines ay pagkakataon din upang mapatatag ang ugnayan sa iba’t-ibang sangay ng pamahalaan na tumutugon sa pangangailangan at mapaunlad ang buhay ng mga Pilipino.

“Kaya, ito din yung venue ng dialogue, not only within the Church, but even with other agencies. Like today, they will be meeting with some cabinet secretaries na involved din sa parallel na may kaugnayan sa trabaho natin on the ground. Like DPWH, education, diba? Education, diba? So, mag-PSWD. So, yun, we are trying to enlarge the space of our tent, sabi nga. Kasi, ang emphasis ngayon ng convention or ng gathering or general assembly ay to really implement the call for greater synodality in the Church.” bahagi pa ng panayam ng Radyo Veritas kay Bishop Alminaza.

Isasabuhay ng Caritas Philippines ngayong 2026 ang temang ‘Sulong Padayon, Pag-asa, Pananagutan, Pagbabago’ .

Ibinahagi ng Obispo na 99% ng mga SAC Directors at mga kawani nito ang dumalo sa limang araw na pagtitipon sa Caritas Philippines Academy sa Tagaytay city.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nasasayang na oras

 4,955 total views

 4,955 total views Mga Kapanalig, ilang oras ang nasasayang ninyo tuwing naiipit kayo sa matinding trapik? Ayon sa TomTom Traffic Index, umabot sa 143 hours—o katumbas

Read More »

Wakasan ang political dynasties!

 23,304 total views

 23,304 total views Mga Kapanalig, sa wakas, tinatalakay na ng Kongreso ang Anti-Political Dynasty Bill! Layunin ng panukalang batas na wakasan ang pamamayagpag ng iilang pamilya

Read More »

Nasaan ang mga “makabayan”?

 41,588 total views

 41,588 total views Mga Kapanalig, may pagbabanta ang China sa mga senador at opisyal ng gobyerno na dumedepensa sa West Philippine Sea.  Sa isang statement na

Read More »

Wala ba talagang due process?

 196,663 total views

 196,663 total views Mga Kapanalig, balik-kulungan si dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. Ipinag-utos ng Sandiganbayan ang pansamantalang pagkulong kay dating Senador Revilla kaugnay ng kasong

Read More »

Mas maliwanag na bukas?

 241,110 total views

 241,110 total views Mga Kapanalig, ipinagdiriwang ng pamahalaan ang makasaysayang pagtuklas ng natural gas sa Malampaya East-1 (o MAE-1) reservoir sa karagatan ng Palawan. Ang MAE-1

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Contractualization, pinabubuwag ng EILER

 26,765 total views

 26,765 total views Isinusulong ng Ecumenical Institute for Labor Education and Research o EILER ang pamamayani ng katarungan para sa mga manggagawang dumaranas ng paniniil mula

Read More »
Scroll to Top