Maayos na pagsusuri sa kontrobersyal na Malabog flyover project, panawagan ng Diocese of Legazpi

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 36,867 total reads

Nanawagan ang Bantay Project Albay ng Diocesan Commission on Social Concerns at Social Action Center (SAC) ng Diocese of Legazpi ng agaran, komprehensibo, at bukas sa publikong pagsusuri sa kontrobersyal na Malabog Flyover Project, bago pa man isaalang-alang ang panibagong proseso ng bidding at paggastos ng karagdagang pondo ng bayan.

Ayon sa grupo, bagama’t inihayag ni Department of Public Works and Highways Secretary Vince Dizon na ipatitigil ang tinaguriang “Malabog Stonehenge” matapos mabawi ang lisensiya ng pangunahing kontratistang Alpha & Omega General Contractor & Development Corporation, nananatiling hindi pa rin malinaw ang papel at pananagutan ng isa pang kontratista na Next Generation Construction and Supply Corp.

Iginiit ng Bantay Project Albay na kung makakamit ang layunin ng proyekto sa pamamagitan ng isang access road mula sa Maharlika Highway na mas abot-kaya at mas praktikal, hindi na makatwiran ang patuloy na paggastos sa flyover.

“Then it has to be shut down permanently, and existing structures dismantled, to make way for a proper access road,” ayon sa grupo.

Dagdag pa ng grupo na sa simula pa lamang ay nakitaan na ng iba’t ibang suliranin ang proyekto tulad ng kakulangan sa konsultasyon at pananagutan.

Paliwanag ng Bantay Project Albay, ang patuloy na paggastos ng daan-daang milyong piso sa maaanomalyang proyekto ay isang anyo ng pang-aabuso sa tiwala ng publiko at malinaw na paglabag sa prinsipyo ng pananagutan at mabuting pamamahala.

“The project has been hounded by lack of transparency and proper consultation with local stakeholders, lack of accountability on the part of its proponents and contractors, lack of public trust due to it being approved through congressional insertion and allegation of massive corruption, right-of-way issues, and long unexplained delays,” giit ng grupo.

Batay sa tala sa DPWH transparency portals, umabot sa P44.6 milyon ang halaga ng Phase 1 ng proyekto, habang natigil ang Phase 2 na may kontratang P40.23 milyon nang walang sapat na paliwanag, at ang Phase 3 naman ay may kabuuang kontratang P198.07 milyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Battered woman syndrome

 89,187 total reads

 89,187 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 150,878 total reads

 150,878 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 196,585 total reads

 196,585 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 297,849 total reads

 297,849 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 362,836 total reads

 362,836 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 205,216 total reads

 205,216 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top